29 Hunyo - 05 Hulyo 2014

Daily Gospel Sa Isang Buong Linggo


"Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? 
Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita."
(Juan 20:29)

29-Linggo 30-Lunes 01-Martes 02-Miyerkules 03-Huwebes 04-Biyernes 05-Sabado

_________________________________________


29 Hunyo 2014
Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa. 

(Unang Pagbasa: Gawa 12:1-11; Salmo: Awit 34:2-9; Ikalawang Pagbasa: 2 Timoteo 4:6-8. 17-18; Mabuting Balita: Mateo 16:13-19)

Tinanong ulit sila ni Jesus, "Ngunit para sa inyo, sino ako?" Sumagot si Simon Pedro, "Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay." (Mateo 16:15-16)

_________________________________________

30 Hunyo 2014
Pagbasa: Amos 2:6-16; Salmo: Awit 50:16-23; 
Mabuting Balita: Mateo 8:18-22

18 Nang makita ni Jesus ang mga tao sa kanyang paligid, iniutos niya sa mga alagad na maghandang tumawid sa kabilang ibayo. 19 Lumapit sa kanya ang isang tagapagturo ng Kautusan at sinabi, "Guro, sasama po ako sa inyo saanman kayo pupunta." 20 Ngunit sumagot si Jesus, "May mga lungga ang mga asong-gubat at may mga pugad ang mga ibon, ngunit wala man lamang matulugan o mapagpahingahan ang Anak ng Tao." 21 Isa naman sa mga alagad ay nagsabi sa kanya, "Panginoon, maaari po bang umuwi muna ako upang ipalibing ko ang aking ama?" 22 Ngunit sinabi sa kanya ni Jesus, "Maglingkod ka sa akin at ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay."

01 Hulyo 2014
Pagbasa: Amos 3:1-4:12; Salmo: Awit 5:4-8; 
Mabuting Balita: Mateo 8:23-27

23 Sumakay si Jesus sa bangka, kasama ng kanyang mga alagad. 24 Habang sila'y naglalayag sa lawa, si Jesus ay natutulog. Biglang bumugso ang isang malakas na unos at halos matabunan ng mga alon ang bangka. 25 Dahil sa labis na takot, si Jesus ay nilapitan at ginising ng mga alagad. "Panginoon, tulungan ninyo kami! Lulubog tayo!" sabi nila. 26 Ngunit sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo natatakot? Napakaliit naman ng inyong pananampalataya!" Bumangon siya, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang panahon. 27 Namangha silang lahat at sinabi, "Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!"

02 Hulyo 2014
Pagbasa: Amos 5:14-24; Salmo: Awit 50:7-17; 
Mabuting Balita: Mateo 8:28-34

28 Nang dumating si Jesus sa kabilang ibayo, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaking sinasapian ng mga demonyo. Sila ay nakatira sa libingan. Napakababangis nila kaya't walang sinuman ang dumaraan doon. 29 Biglang nagsisigaw ang dalawang lalaki, "Ano ang pakialam mo sa amin, Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang pahirapan kami kahit hindi pa panahon?" 30 Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nagsisikain. 31 Nakiusap sa kanya ang mga demonyo, "Kung palalayasin mo kami, hayaan mong pumasok kami sa mga baboy na iyon." 32 Sinabi ni Jesus, "Sige, lumayas kayo." Lumabas nga sila sa dalawang lalaki at pumasok sa mga baboy. Ang buong kawan ay biglang sumibad ng takbo papunta sa bangin, nahulog sa lawa at nalunod.

33 Nagtakbuhan papuntang bayan ang mga tagapag-alaga ng mga baboy. Pagdating doon, ipinamalita nila ang buong pangyayari, pati ang naganap sa mga lalaking sinasapian ng demonyo. 34 Kaya't lumabas ang buong bayan upang salubungin si Jesus. Pagkakita sa kanya, ipinakiusap nilang lisanin niya ang kanilang lupain.

03 Hulyo 2014
Pagbasa: Efeso 2:19-22; Salmo: Awit 117:1-2; 
Mabuting Balita: Juan 20:24-29

24 Ngunit si Tomas, na tinatawag na Kambal at kabilang sa Labindalawa, ay wala roon nang dumating si Jesus. 25 Kaya't sinabi sa kanya ng ibang mga alagad, Nakita namin ang Panginoon!

Sumagot si Tomas, Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita at nahahawakan ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at hangga't hindi ko naisusuot ang aking daliri sa mga sugat na iyon at sa kanyang tagiliran.

26 Makalipas ang isang linggo, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad at kasama nila si Tomas. Nakasara ang mga pinto, ngunit nakapasok si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila. Sinabi niya, Sumainyo ang kapayapaan! 27 At sinabi niya kay Tomas, Tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran at huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka.

28 Sumagot si Tomas, Panginoon ko at Diyos ko!

29 Sinabi sa kanya ni Jesus, Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.

04 Hulyo 2014
Pagbasa: Amos 8:4-12; Salmo: Awit 119:2-131; 
Mabuting Balita: Mateo 9:9-13

9 Pag-alis ni Jesus doon, nakita niya si Mateo na nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, "Sumunod ka at maglingkod sa akin." Tumayo nga si Mateo at sumunod sa kanya.

10 Nang si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan. Sila'y magkakasalong kumain. 11 Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, "Bakit sumasalo ang inyong guro sa mga maniningil ng buwis at sa mga makasalanan?" 12 Narinig sila ni Jesus at siya ang sumagot, "Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. 13 Humayo kayo at unawain ang kahulugan nito: 'Habag ang nais ko at hindi ang inyong handog.' Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga matuwid."

05 Hulyo 2014
Pagbasa: Amos 9:11-15; Salmo: Awit 85:9-14; 
Mabuting Balita: Mateo 9:14-17

14 Lumapit kay Jesus ang mga alagad ni Juan na Tagapagbautismo, at siya'y tinanong, "Kami po ay madalas mag-ayuno, gayundin ang mga Pariseo, ngunit bakit hindi po nag-aayuno ang inyong mga alagad?" 15 Sumagot siya, "Dapat bang malungkot ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na ito, saka pa lamang sila mag-aayuno.

16 "Walang nagtatagpi ng bagong tela sa isang lumang kasuotan. Sapagkat kapag umurong ang bagong tela, mababatak nito ang tinagpian at lalong lalaki ang punit. 17 Wala ring nagsasalin ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag ganoon ang ginawa, puputok ang balat, matatapon ang alak, at mawawasak ang sisidlan. Sa halip, isinasalin ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat; at sa gayon, kapwa ito nagtatagal."

29-Linggo 30-Lunes 01-Martes 02-Miyerkules 03-Huwebes 04-Biyernes 05-Sabado

Mga kasulyap-sulyap ngayon: