“Gibain ninyo ang templong ito at muli kong itatayo sa loob ng tatlong araw.” (Juan 2:19)
Unang Pagbasa: Ezekiel 43:1-2. 8-9. 12
Noong mga araw na iyon, bumalik
kami ng anghel sa pintuan ng templo.
Sa ilalim nito’y may agos ng tubig
papunta sa silangan. Ang templo’y
paharap sa silangan. Ito’y nagmumula
sa gawing timog na bahagi ng templo,
sa gawing timog ng altar. Lumabas
kami sa pintuan sa gawing hilaga at
iniligid niya ako papalabas sa pintuan
sa gawing silangan. Doon ay may
mahinang agos ng tubig mula sa
gawing timog ng hagdanan.
Sinabi niya sa akin, “Ang tubig na ito ay papunta sa dakong silangan, hanggang Dagat na Patay. Pag-abot nito sa Dagat na Patay, malilinis ang tubig nito. Lahat ng lugar na maagusan nito ay magkakaroon ng lahat ng uri ng hayop at isda. Pagdating ng agos nito sa Dagat na Patay, magiging tabang ang tubig ng dagat. Lahat ng lugar na abutin nito ay magkakaroon ng buhay. Sa magkabilang pampang ng ilog ay tutubo ang sari-saring punong-kahoy na makakain ang bunga. Hindi malalanta ang mga dahon nito ni mawawalan ng bunga pagkat ang didilig dito ay ang tubig na umagos mula sa templo; ito ay patuloy na mamumunga sa buong taon. Ang bunga nito ay pagkain, at gamot naman ang mga dahon.”
Sinabi niya sa akin, “Ang tubig na ito ay papunta sa dakong silangan, hanggang Dagat na Patay. Pag-abot nito sa Dagat na Patay, malilinis ang tubig nito. Lahat ng lugar na maagusan nito ay magkakaroon ng lahat ng uri ng hayop at isda. Pagdating ng agos nito sa Dagat na Patay, magiging tabang ang tubig ng dagat. Lahat ng lugar na abutin nito ay magkakaroon ng buhay. Sa magkabilang pampang ng ilog ay tutubo ang sari-saring punong-kahoy na makakain ang bunga. Hindi malalanta ang mga dahon nito ni mawawalan ng bunga pagkat ang didilig dito ay ang tubig na umagos mula sa templo; ito ay patuloy na mamumunga sa buong taon. Ang bunga nito ay pagkain, at gamot naman ang mga dahon.”
Salmo: Awit 122:1-2. 3-4. 8-9.
Tugon: Sa bayan ng Dakilang D’yos,
batis n’ya’y may tuwang dulot!
batis n’ya’y may tuwang dulot!
Ang Diyos ang lakas natin at
kanlungan,
at handang saklolo kung may kaguluhan;
di dapat matakot, mundo’y mayanig man,
kahit na sa dagat ang bundok mabuwal.
at handang saklolo kung may kaguluhan;
di dapat matakot, mundo’y mayanig man,
kahit na sa dagat ang bundok mabuwal.
May ilog ng galak sa bayan ng
Diyos,
sa banal na templo’y ligaya ang dulot.
Ang tahanang-lunsod ay di masisira;
ito ang tahanan ng Diyos na Dakila,
mula sa umaga ay kanyang alaga.
sa banal na templo’y ligaya ang dulot.
Ang tahanang-lunsod ay di masisira;
ito ang tahanan ng Diyos na Dakila,
mula sa umaga ay kanyang alaga.
Nasa atin ang Diyos Makapangyarihan,
ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan.
Anuman ang kanyang ginawa sa lupa,
sapat nang pagmasdan at ikaw’y hahanga.
ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan.
Anuman ang kanyang ginawa sa lupa,
sapat nang pagmasdan at ikaw’y hahanga.
Ikalawang Pagbasa: 1 Corinto 3:9-11. 16-17
Mga kapatid: Kayo ang gusali ng
Diyos. Ayon sa kaloob ng Diyos sa
akin, ako ang naglagay ng pundasyon,
bilang mahusay na tagapagtayo.
Iba naman ang nagpapatuloy ng
pagtatayo ng gusali. Ngunit maging
maingat ang bawat nagtatayo,
sapagkat wala nang ibang pundasyon
na maaaring ilagay liban sa nailagay
na, si Hesukristo.
Hindi ba ninyo alam na kayo’y
templo ng Diyos at naninirahan sa inyo
ang kanyang Espiritu? Parurusahan
ng Diyos ang magwasak ng templo
niya. Sapagkat banal ang templo ng
Diyos, at kayo ang templong iyan.
Mabuting Balita: Juan 2:13-22
Malapit na ang Paskuwa ng mga
Judio, kaya’t pumunta si Hesus sa
Jerusalem. Nakita niya sa templo
ang mga nagbibili ng mga baka,
mga tupa, at mga kalapati, at ang
namamalit ng salapi. Gumawa siya
ng isang panghagupit na lubid at
ipinagtabuyang palabas ang mga
mangangalakal, pati mga baka at
tupa. Isinabog niya ang salapi ng
mga namamalit at pinagtataob ang
kanilang mga hapag. Sinabi niya sa
mga nagbibili ng kalapati, “Alisin
ninyo rito ang mga iyan! Huwag
ninyong gawing palengke ang
bahay ng aking Ama!” Naalaala ng
kanyang mga alagad na sinasabi
sa Kasulatan, “Ang aking malasakit
sa iyong bahay ay parang apoy na
nag-aalab sa puso ko.”
Dahil dito’y tinanong siya ng mga
Judio, “Anong tanda ang maibibigay
mo upang patunayang may karapatan
kang gawin ito?” Tumugon si Hesus,
“Gibain ninyo ang templong ito at
muli kong itatayo sa loob ng tatlong
araw.” Sinabi ng mga Judio, “Apatnapu’t
anim na taon na ginawa ang
templong ito, at itatayo mo sa loob
lamang ng tatlong araw?”
Ngunit ang templong tinutukoy
ni Hesus ay ang kanyang katawan.
Kaya’t nang siya’y muling mabuhay,
naalaala ng kanyang mga alagad na
sinabi niya ito; at naniwala sila sa
Kasulatan at sa mga sinabi ni Hesus.