Gospel Reflection
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
18 Setyembre 2022
I-click po dito para mabasa ang Ebanghelyo.
(Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 22 Setyembre 2013.)
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
18 Setyembre 2022
I-click po dito para mabasa ang Ebanghelyo.
(Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 22 Setyembre 2013.)
Subalit ang hindi alam ng marami sa atin, puwedeng gamitin ang scientific method sa halos lahat ng aspeto ng ating buhay. Katunayan, ito ang basic sa paggawa ng mga strategies at ng mga proposals na ginagamit sa halos lahat ng businesses lalo na sa aspetong management, marketing, public relations at advertisements.
At aminin man natin o hindi, dito mahina ang marami sa mga laykong-lingkod sa ating mga komunidad. Mahina tayo sa paggawa sa mga istratehiya upang mapaganda at maging sistematiko ang mga programa at mga proyekto natin. Madalas nating ipagpasa-Diyos na lamang ang ikatatagumpay natin. Idinadaan na lang sa panalangin ang lahat.
"...Ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito." (Lucas 16:8)
Sa Ebanghelyo natin ngayong linggo, binibigyang diin ni Hesus na dapat gamitin natin ang mga resources ng mundo para sa paggawa ng mabuti. Hindi natin dapat na ipagpasa-Diyos ang lahat. Kailangan nating gumawa ng mga paraan para sa patuloy na pagpapalaganap ng Mabuting Balita.
Ang ating mga kayamanan at mga kakayahan ay ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Dapat nating gamitin ang mga ito para sa Kanyang kaluwalhatian.
Kung iisipin: Ano nga ba ang mga problema sa ating mga komunidad-- internal man o external? Base sa mga obserbasyon, ano ang mga posibleng solusyon? Ano ang mga dapat na gawin upang makamit ang hinahangad na solusyon? Ano ang naging resulta ng mga ginawang aksyon? Ano ang mga rekomendasyon upang patuloy pang malutas ang mga problema?
Kapag sinagot natin ang mga tanong na ito, step-by-step nating sinunod ang scientific method. Kung sasamahan natin ito ng panalangin at pananalig, ito ay prosesong matatawag na scientific method with Divine intervention.
Panalangin:
O aming Amang patuloy na nagmamahal sa amin, purihin Ka at sambahin ng Iyong bayang umaasa sa Iyo. Ikaw ang nagbigay sa amin ng aming talino at mga kakayahan, hayaan Mo pong ibalik namin ang mga ito sa Iyo.
Turuan Mo po kaming paghandaan ang mga puwersang humahadlang (threats) at magamit ang mga oportunidad (opportunities) sa aming mga makalangit na hangarin. Tulungan Mo po kaming tanggapin at solusyonan ang aming mga kahinaan (weaknesses) at lalo pang paigtingin ang aming mga kalakasan (strengths). Ang aming lahat ay sa Iyo, imulat mo po kami sa mga realidad ng buhay sa aming komunidad upang makita namin ang mga totoong problema dito.
Panginoon, turuan Mo po kaming maging mapagmatyag upang kami'y maging mga epektibong tagapamahagi ng Iyong pag-ibig.
Sa pangalan ni Hesus, kasama Mo at ng Espiritu Santo. Amen.