Pagdadala kay Hesus sa Templo
02 Pebrero 2020
02 Pebrero 2020
Ilang araw matapos ipanganak ang aming nag-iisang anak na si Baby Lei, agad naming pinag-usapang mag-asawa kung kailan siya bibinyagan. Hindi pa sila nakakalabas noon sa ospital. Tanda ko nga'y hindi pa halos makakilos si misis dahil sa sugat niya sa kanyang cesarean operation.
Naging napakahalaga para sa aming mag-asawa ang binyag ni Baby Lei. Isa iyong akto ng pagbabalik sa Diyos ng Kanyang pinakamahalagang regalo para sa aming mag-asawa-- ang aming anak. Isang paghahandog. Isang pagtitiwalang Siya ang laging lakas at gabay ng aming pamilya.
Sa kapistahan ng pagdadala kay Hesus sa templo, ipinapaalaala sa atin ang paghahandog na ginawa ni Abraham sa kanyang nag-iisang anak na si Isaac. Ipinaaalala rin nito ang paghahandog na ginawa ni Abel na lubos na kinalugdan ng Panginoon.
Ito ang unang pagkakataong inialay si Hesus sa Diyos. Sa pamamagitan ng paghahandog na ito, si Hesus ay napailalim sa tradisyong kinamulatan ng Bayang Israel. Ganap Siyang naging bahagi ng sambayanan ng kanyang mga magulang na sina Jose at Maria.
Sanggol pa lamang si Hesus subalit inihayag na sa pamamagitan ni Simeon ang tungkol sa ikalawang paghahandog kay Hesus-- na nagpapaalala rin ng paghahandog nina Abraham at Abel. Siya ang panganay na anak at ang korderong ihahandog para sa ikatutubos ng tao mula sa kamatayan na bunga ng kasalanan.
"... Ang batang ito'y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel. Siya ang magiging tanda mula sa Diyos ngunit tutuligsain siya ng marami, kaya't mahahayag ang kanilang iniisip." (Lucas 2:34-35)
At inihanda rin ni Simeon ang Mahal na Birheng Maria sa kamatayan ni Hesus sa krus, "Dahil dito, magdaranas ka ng matinding kapighatiang parang isang patalim na itinarak sa iyong puso." (Lucas 2:35)
Tayo man ay itinalagang maghandog sa Diyos. Tayo'y mga binyagang inihandog ng ating mga magulang upang matawag na Kristiyano o mga taong sumusunod sa halimbawa ni Kristo. Nakikisalo tayo sa Kanyang pagiging Paring naghahandog, Propetang nagpapahayag ng Salita ng Diyos at Haring naglilingkod.
Ikaw, ano ang handog mo ngayon sa Diyos?
Panalangin:
Ama, inaalay namin sa Iyo ang aming buhay bilang tanda ng aming pagsamba, pagluwalhati, pagpupuri at pasasalamat sa Iyo.
Batid po naming hindi kami karapat-dapat sa prebilehiyong matawag na Iyong mga anak subalit sa aming pananampalataya sa kaligtasang inihandog ni Hesus sa krus, inaangkin po namin ang Iyong pag-ibig.
Aming Ama, mahirap man po, turuan po sana kami ng Espiritu Santong sumunod sa Iyong kalooban. Ikaw po ang tagahulma at kami po ang luad, maganap po sana sa amin ang mga ninanais Mo.
Ang lahat ng ito sa Ngalan ni Hesus na inihandog sa Iyong Templo sa Kanyang mapagkumbabang pakikipamayan sa amin, na ngayo'y kasama Mo at ng Espiritu Santo. Amen.