Ika-22 Linggo Sa Karaniwang Panahon
03 Setyembre 2023
(Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 31 Agosto 2014.)
Buhat nu'ng bata pa ako, mahilig na akong maglaro ng mga role-playing-games. Ito 'yung klase ng mga larong nagle-level-up ang character mo. Nagkakaroon ng bagong skills sa bawat level-up. Pahirap din ng pahirap ang mga missions sa bawat level ng laro.
Sa Ebanghelyo natin ngayong linggo, iniangat ni Hesus ang level ng pagsunod sa Kanya ng mga apostol. Inihayag Niya sa kanila ang mapait na katotohanan tungkol sa Mesiyas. Na dapat siyang magtungo sa Jerusalem at magbata ng maraming hirap sa kamay ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba, at kanilang ipapapatay siya. Ngunit sa ikatlong araw siya’y muling mabubuhay.
Hindi matanggap ng mga apostol ang sinabi ni Hesus at naging vocal si Pedro ukol dito, “Panginoon, huwag nawang itulot ng Diyos! Hindi po dapat mangyari ito sa inyo.”
Matapang si Pedro nang ipahayag niyang si Hesus ang Kristo subalit nag-iba ang tono niya nang pinag-uusapan na ang paghihirap ng Kristo. Katulad ni Pedro at ng mga apostol ang marami sa ating mga katoliko. Matapang tayo at magaling kapag ipinapahayag nating si Hesus ang ating Panginoon. Kapag nariyan na ang pagsasakripisyong kaakibat nito, para tayong mga nababahag ang buntot. Bigla tayong napapaatras. Natatakot tayo.
Malinaw ang sinabi ni Hesus, “kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon."
Ibang level ng pagsunod ang hinihingi sa atin ni Hesus. Siya ang dapat nating first priority. Hindi Siya ikalawa sa ating mga kaibigan o sa ating pamilya o sa ating sarili.
Sa ating paglago bilang mga Kristiyano, dapat ay maging tulad tayo ng character ng isang role-playing-game. Dapat ay nagle-level-up tayo. Dapat umuunlad tayo sa ating pananampalataya.
Maling isipin nating magiging madali ang pagsunod sa ating Panginoon. Huwag nating isiping porke mabuti na tayong mga Katoliko ay hindi na tayo magkakaroon ng mga problema at pagsubok. Dapat nating tandaang habang tumataas ang level natin bilang isang Katoliko, humihirap din ang mga missions at tasks na kailangan nating ma-achieve. Hindi naman puwedeng lagi na lang pambata ang problema natin. Kailangan nating mag-grow. Madapa man tayo, maging aral sana sa atin ang ating mga pagkakamali. Matuto tayo sa ating mga karanasan. Little by little ang ating paglago.
Kaya, level-up na. Pasanin ang ating mga krus at sumunod tayo kay Hesus!
Panalangin:
O aming Ama, hindi man po kami karapat-dapat, itulot Mo pong magawa naming purihin at pasalamatan ka sa araw-araw sa pamamagitan ng aming mga gawa. Ama, ang aming buhay ay nagmula sa Iyo, hayaan Mo pong ibalik namin sa Iyo ang lahat ng biyayang tinatanggap namin mula sa Iyo.
Tulungan po sana kami ng Espiritu Santo na mapasan ang aming krus. Turuan sana Niya kaming sumunod kay Hesus. Sa Kanyang halimbawa ng kabanalan at kababaang-loob. Katulad po sana Niya, magawa rin naming sumunod sa Iyong kalooban.
Bigyan Mo po kami ng lakas upang magawa naming harapin ang mga challenges sa aming mga buhay. Ito man ay sa aming paglilingkod o sa pang-araw-araw naming mga buhay. Angkinin po sana naming personal crosses ang mga ito na nagpapatibay sa amin bilang mga Katoliko.
Ang lahat po ng ito ay itinataas po namin sa Iyo, Ama, sa pangalan ni Hesus na nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo. Amen.