26 Oktubre - 01 Nobyembre 2014


“At isang babae naman ang narito na anak ni Abraham na labingwalong taon nang iginapos ni Satanas. Di ba siya dapat kalagan sa Araw ng Pahinga?” (Lucas 13:16)

26-Linggo 27-Lunes 28-Martes 29-Miyerkules 30-Huwebes 31-Biyernes 01-Sabado

_________________________________________
26 Oktubre 2014
Ika-30 Linggo Sa Karaniwang Panahon
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa. (Unang Pagbasa: Exodo 22:20-26; Salmo: Awit 18:2-3. 3-4. 47. 51; Ikalawang Pagbasa: 1 Tesalonica 1:5-10; Mabuting Balita: Mateo 22:34-40)
I-click po dito para sa Gospel Reflection.

“Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.” (Mateo 22:40)

_________________________________________

27 Oktubre 2014
Pagbasa: Efeso 4:32-5:8; Salmo: Awit 1:1-6
Mabuting Balita: Lucas 13:10-17

10 Nagtuturo siya sa isang sinagoga sa Araw ng Pahinga, 11 at may isang babae roon. Labingwalong taon na siyang may espiritung nagbibigay-sakit; nagkakakandakuba na siya at di makatingala. 12 Pagkakita sa kanya ni Jesus, tinawag siya nito at sinabi: “Babae, lumaya ka sa iyong sakit.” 13 Ipinatong nito sa kanya ang mga kamay at agad na nakatayo nang tuwid ang babae at nagpuri sa Diyos.


14 Nagalit ang pangulo ng sinagoga dahil nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pahinga kaya sinabi niya sa mga tao: “May anim na araw para magtrabaho kaya sa mga araw na iyon kayo pumarito para mapagaling, hindi sa Araw ng Pahinga!”


15 Sinagot siya ng Panginoon: “Mga mapagkunwari, hindi ba kinakalagan ng bawat isa sa inyo ang kanyang baka o asno mula sa sabsaban nito sa Araw ng Pahinga at inilalabas para painumin? 16 At isang babae naman ang narito na anak ni Abraham na labingwalong taon nang iginapos ni Satanas. Di ba siya dapat kalagan sa Araw ng Pahinga?”


17 Napahiya ang lahat niyang kalaban pagkarinig sa kanya pero nagalak naman ang mga tao sa lahat ng kahanga-hangang ginagawa ni Jesus.


28 Oktubre 2014

Pagbasa: Efeso 2:19-22; Salmo: Awit 19:2-5
Mabuting Balita: Lucas 6:12-16

12 Nang panahong iyon, umakyat si Jesus sa bundok para manalangin at magpalipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. 13 Nang nag-umaga na, tinawag niya ang kanyang mga alagad at pumili siya ng labindalawa sa kanila na tinawag niyang apostol: 14 si Simon na pinangalanan niyang Pedro, si Andres na kapatid nito; si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, 15 si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, si Simon na tinataguriang Zelota, 16 si Judas na kamag-anak ni Jaime, at si Judas Iskariote na naging tagapagkanulo.


29 Oktubre 2014

Pagbasa: Efeso 6:1-9; Salmo: Awit 145:10-14
Mabuting Balita: Lucas 13:22-30

22 Dumaan si Jesus sa mga lunsod at mga nayon, na nagangaral habang papunta siya sa Jerusalem. 23 May nagtanong sa kanya: “Panginoon, kakaunti nga ba ang maliligtas?” At sinabi ni Jesus sa mga tao: 24 “Magpumilit kayong pumasok sa makipot na pintuan sapagkat sinasabi ko sa inyo: marami ang gustong pumasok at di makapapasok. 25 Kapag tumindig na ang may-ari ng bahay at naisara na ang pinto, tatayo kayo sa labas na kumakatok at magsasabing ‘Panginoon, buksan mo kami.’ Sasagot naman siya sa inyo: ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo.’


26 Kaya sasabihin ninyo: ‘Kami ang kumain at uminom na kasalo mo, at sa aming mga lansangan ka nangaral.’ 27 Pero sasagutin niya kayo: ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo. Lumayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama.’  28 Naroon ang iyakan at pag-ngangalit ng mga ngipin pagkakita ninyo kina Abraham, Isaac, Jacob at sa lahat ng propeta sa kaharian ng Diyos, at ipagtatabuyan naman kayo sa labas. 29 At makikisalo naman sa Kaharian ng Diyos ang mga darating mula sa silangan, kanluran, timog at hilaga. 30 Oo, may mga huli ngayon na mauuna at may mga una na mahuhuli.”


30 Oktubre 2014

Pagbasa: Efeso 6:10-20; Salmo: Awit 144:1-10
Mabuting Balita: Lucas 13:31-35

31 Nang sandaling iyo’y dumating ang ilang Pariseo at binalaan siya: “Umalis ka rito at pumunta sa ibang lugar. Gusto kang ipapatay ni Herodes.” 32 Sinabi naman ni Jesus: “Puntahan ninyo ang musang na ’yon at sabihin sa kanya: ‘Ngayon at bukas ay nagpapalayas ako ng mga demonyo at nagpapagaling at nasa ikatlong araw ang katapusan ko.’ 33 Subalit dapat akong maglakad ngayon, bukas at sa susunod na araw sapagkat hindi bagay na mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta.


34 Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga sinugo sa iyo. Gaano kadalas kong ginustong tipunin ang iyong mga anak gaya ng pagyupyop ng inahin sa kanyang mga sisiw pero tumanggi ka nga. 35 Ngayon, iiwanan ang inyong Bahay. Sinasabi ko nga sa inyo na hindi na ninyo ako makikita hanggang di sumasapit ang panahon na sabihin ninyo: Mapalad ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.”

31 Oktubre 2014

Pagbasa: Filipos 1:1-11; Salmo: Awit 111:1-6
Mabuting Balita: Lucas 14:1-6

1 Isang Araw ng Pahinga, pumasok si Jesus sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo para kumain, at minamanmanan naman nila siya. 2 Nasa harap niya roon ang isang taong minamanas 3 kaya nagtanong si Jesus sa mga guro ng Batas at mga Pariseo: “Puwede bang magpagaling sa Araw ng Pahinga o hindi?” 4 Hindi sila umimik kaya hinawakan ni Jesus ang maysakit, pinagaling ito at saka pinauwi.


5  Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila: “Kung mahulog sa balon ang anak o ang baka ng isa sa inyo, di ba’t agad niya itong iniaahon kahit na Araw ng Pahinga?” 6 At hindi nila siya nasagot.


01 Nobyembre 2014

Unang Pagbasa: Pahayag 7:2-14; Salmo: Awit 24:1-6;
Ikalawang Pagbasa: 1 Juan 3:1-3
Mabuting Balita: Mateo 5:1-121 

Nang makita ni Jesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad. 2 At nagsimula siyang magturo sa kanila:


3 “Mapapalad ang mga may diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaharian ng Langit.

4 Mapapalad ang mga nagluluksa sapagkat pagiginhawahin sila.
5 Mapapalad ang mga di-marahas sapagkat mapapasakanila ang lupain.
6 Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubusugin sila.
7 Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawaan sila.
8 Mapapalad ang mga may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos.
9 Mapapalad ang mga nagpupunyagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. 
10 Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang Kaharian ng Langit.
11 Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri dahil sa akin. 12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang gantimpalang nasa Diyos para sa inyo. Ganito rin pinag-usig ang mga propetang nauna sa inyo.

26-Linggo 27-Lunes 28-Martes 29-Miyerkules 30-Huwebes 31-Biyernes 01-Sabado

Mga kasulyap-sulyap ngayon: