#PopeFrancisEffect

 Gospel Reflection

Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon 
25 Enero 2015



Habang kino-compose ko ang post na ito, hindi pa ako nakaka-move on sa #PopeFrancisEffect. Hindi ko maiwasang isipin ang ilang mga sinabi niya habang nasa Pilipinas siya. Kaya ang laman ng post na ito ay halos re-echo lang ng kanyang mga salita.

Tinatawag tayong lahat ni Hesus upang magmahal. Hinihimok tayo ng ating Ebanghelyo na ipakita ang pag-ibig na ito sa ating kapwa sa pamamagitan ng three languages of love; the language of the mind, the language of the heart and the language of the hands. Pang-unawa. Pakiramdam. Paggawa.

Hindi sapat na magkaloob tayo ng materyal na bagay sa nangangailangan. Tinatawag tayo ng Diyos na makihati sa kanilang paghihirap. Hinihimok tayong sundan ang halimbawa ni Hesus; ang Diyos na nakihati ating mga paghihirap. Iniwan Niya ang langit para maunawaan tayo. Isinilang Siya upang maramdaman kung paano bang maging tao. Nakisalamuha Siya sa atin upang ipakita ang pag-ibig ng Diyos.

Sabi nga ni Pope Francis, “We have a Lord who is capable of crying with us, capable of walking with us in the most difficult moments of life.” At kung hindi natin magagawang umiyak kasama ng mga nagdadalamhati, hindi tayo tunay na umiibig sa kanila. At hindi tayo magiging mabuting mga Kristiyano hangga't hindi tayo ganap na nakikihati sa kanilang paghihirap.

Tagapalamakaya tayo ng mga tao. Tagapagdala ng mga kaluluwa kay Hesus. Subalit magpagod man tayo araw at gabi kung wala tayong pag-ibig, magiging balewala ang lahat.

We are called to love. Maglingkod ng may pag-ibig sa Diyos at sa ating kapwa.

Panalangin:

Amang makapangyarihan sa lahat, ikaw na palaging tumatawag sa amin upang umibig sa Iyo at sa aming kapwa, hayaan N'yo pong tumugon kami sa Iyong pagmamahal.

Nagpapasalamat po kami sa pagdalaw ni Santo Papa Francis sa aming bansa. Tumimo po sana at magtulak ng pagkilos sa amin ang Kanyang mga Salitang baon namin sa kanyang pag-alis.

Tinatanggap po namin ang Kanyang hamong maging tagapagpalaganap ng Ebanghelyo sa Asya at sa buong mundo. Gawin Mo po kaming tagapamalakaya ng tao. Turuan Mo po kaming ibahagi ang Iyong pag-ibig sa iba.

Ang lahat po ng ito, sa pangalan ni Hesus, aming Panginoon, kasama Mo at ng Espiritu Santo. Amen.



Mga kasulyap-sulyap ngayon: