Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
22 Agosto 2021
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa.
(Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 23 Agosto 2015)
Madalas kong marinig sa mga estudyante, lalo na sa mga college students, ang iba't-ibang reklamo tungkol sa kanilang pag-aaral. Nariyang ang hirap daw ng subject na 'to. Na mahirap tapusin ang project na 'to. Na terror ang naging professor nila. Mahirap gawin ang thesis nila.
Isa sa importanteng bagay na na-realize ko nu'ng nag-aaral pa 'ko, "walang madaling kurso. Kung gusto mong makatapos ng pag-aaral, kailangang magsikap ka."
At hindi lang ito applicable sa pag-aaral. Bagay din ito sa tuluy-tuloy na pag-aaral natin sa buhay. Kung gusto mo ang isang bagay. Pagsikapan mo. Hindi ito basta-basta ibibigay lang sa iyo.
Sa Ebanghelyo natin ngayong Linggo, binigyan ni Hesus ng exam ang mga sumusunod sa Kanya. Marami ang nabagabag sa mga alagad Niya. “Mabigat na pananalita ito; sino ang makatatanggap nito?” Dahil dito, marami sa kanila ang tumalikod at hindi na sumama sa Kanya.
Marami sa atin ang katulad nila. Sumusunod tayo kay Hesus hanggang sa dumating ang hindi natin inaasahan. Maaaring isang mabigat na problema. Maaaring isang expectation na hindi nasunod. Nawawalang bigla ang ating sigasig at tapang.
Sa tagal kong nasa simbahan, maraming mga pagkakataong parang gusto ko nang iwanan ang paglilingkod. Mabuhay na lang ng simple. Malayo sa intriga. Malayo sa stress. Subalit tuwing maiisip ko 'to lagi kong naaalala ang isinagot ni Pedro kay Hesus nang tanungin ng Panginoon ang labindalawang alagad kung aalis din sila:
“Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Naniniwala kami at ngayo’y natitiyak naming kayo ang Banal ng Diyos.”
Kung hindi tayo kakapit sa Diyos, kanino tayo kakapit? Kanino tayo aasa? Aasahan ba natin ang sarili nating kakayahang alam na alam nating hindi sasapat? Aasa ba tayo sa ibang taong alam nating anumang oras ay puwede tayong iwanan?
Kung hindi tayo mananalig sa Kanya, tatanggapin na lang ba nating ang lahat ng ito'y isang freak accident? Na matapos nating magpakapagod sa buhay, mamamatay tayo patungo sa wala? Na wala tayong kaluluwa? Na natatapos na ang lahat sa kamatayan?
Dumating man sa atin ang pinakamabigat na pagsubok, alam nating may Diyos tayong masasandalan. May Diyos na patuloy na aalalay sa atin sa ating paglalakbay sa buhay.
Mahirap man ang bawat araw, i-take natin ito bilang mga lessons sa patuloy nating pag-aaral ng kurso ng buhay. Walang madaling kurso. Kailangang magsikap tayo.
Bilang mga katoliko, mahirap man ang magpakatatag at magpakabuti, alam nating kasama natin si Hesus na laging umaalalay sa atin. Mahirap man ang lesson for the day. Terror man ang professor na kung tawagin ay experience.
Kung hindi ka mananalig kay Hesus, kanino ka pupunta?
Panalangin:
Aming Ama, Ikaw na nagkaloob sa amin ng buhay na ito, Ikaw na pinagbubukalan ng lahat ng biyayang tinatamasa namin, sa 'Yo ang lahat ng kaluwalhatian, lahat ng papuri at lahat ng pagsamba.
Ikaw na nagkaloob kay Hesus bilang aming Panginoon at Tagapagligtas, pasasalamat po ang aming handog. Turuan Mo po kami sa pamamagitan ng paggabay ng Espiritu Santo na lumapit sa Iyong Anak. Kanino pa nga ba kami pupunta kundi sa Kanya na pinagmumulan ng buhay na walang hanggan?
Ama, patuloy po kaming nagsisikap na makalapit sa Iyo. Loobin po Ninyong unti-unti kaming maging katulad ni Hesus. Bigyan Mo po kami ng mapagkumbabang pusong nagsisisi. Hilumin Mo po kami.
Ang lahat ng ito sa pangalan ni Hesus, ang aming lakas at pag-asa, naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo. Amen.