Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa patotoo ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya.”
(Juan 5:36)
Unang Pagbasa: Isaias 56:1-3.6-8
Ang sabi ng Panginoon sa kanyang
bayan: “Ayon sa katarungan at
laging matuwid ang inyong gagawin.
Ang pagliligtas ko’y di na magluluwat,
ito ay darating, ito’y mahahayag
sa inyong paningin. Mapalad ang
taong gumagawa nito, ang anak ng
taong ang tuntuni’y ito. Ginaganap
niya ang marapat gawin sa Araw ng
Pamamahinga, sa gawang masama,
ang kanyang sarili’y iniiwas. Di dapat
sabihin ng isang dayuhang nakipagkaisa
sa bayan ng Diyos, na siya’y
hindi papayagan ng Panginoon na
makisama sa pagsamba ng kanyang
bayan.”
Ito naman ang sabi ng Panginoon
sa mga dating dayuhan na ngayo’y
kabilang sa kanyang bayan, buong
pusong naglilingkod sa kanya, nangingilin
sa Araw ng Pamamahinga;
at matapat na nag-iingat sa kanyang
tipan: “Dadalhin ko kayo sa Sion, sa
aking banal na bundok. Ipadarama
ko sa inyo ang kagalakan sa aking
Templo. Tatanggapin ko ang inyong
mga handog, at ang Templo ko’y
tatawaging bahay-dalanginan ng
lahat ng bansa.” Ipinangako pa
ng Panginoon, sa mga Israelitang
ibinalik niya mula sa pagkatapon, na
marami pa siyang isasama sa kanila
para mapabilang sa kanyang bayan.
Salmo: Awit 66
Tugon: Nawa’y magpuri sa iyo
ang
lahat ng mga tao!
O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan,
kami Panginoo’y iyong kaawaan
upang sa daigdig mabatid ng
lahat
ang iyong kalooban at ang
pagliligtas.
Nawa’y purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa
madla;
ikaw ang patnubay ng lahat
ng bansa.
Nag-aning mabuti ang mga
lupain,
pinagpala kami ng Poon,
Diyos namin!
Ang lahat sa ami’y
iyong pinagpala,
nawa’y igalang ka
ng lahat ng bansa.
Mabuting Balita: Juan 5:33-36
Noong panahong iyon, sinabi ni
Hesus sa mga Judio, “Nagpasugo
kayo kay Juan, at nagpatotoo siya
tungkol sa katotohanan. Hindi sa
kailangan ko ang patotoo ng tao;
sinasabi ko lamang ito para maligtas
kayo. Si Juan ay parang maningas na
ilaw na nagliliwanag noon, at kayo’y
sandaling nasiyahan sa kanyang
liwanag. Ngunit may patotoo tungkol
sa akin na higit sa patotoo ni Juan:
ang mga gawang ipinagagawa sa
akin ng Ama, at siya ko namang
ginaganap – iyan ang nagpapatotoo
na ako’y sinugo niya.”