Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
24 Hulyo 2022
I-click po dito para mabasa ang Ebanghelyo.
(Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 24 Hulyo 2016.)
When there is traffic, an angel tells you to pray. In a long line to work, he tells you to close your eyes and whisper a sigh. Look above. Talk to God. Clear your thoughts. Clear your worries. Your anxiety weakens your faith.
Put everything in God's hands. Everything will be all right.
Even if it's a life and death situation, take a pause. Collect your thoughts. There is always a moment for silence. Give it all to Him. You can't do anything on your own. Tell the difficulty in front of you, you are not alone; for God is with you.

In the silence of your heart, take a pause. Listen to His voice. In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit. Amen.
Mababasa natin sa Ebanghelyo sa Linggong ito ang sinabi ng mga alagad ni Hesus, “Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.”
Masyadong mabilis ang mundo. Nagmamadali tayong lahat. Lahat gustong matapos ang lahat ng ating isipin. Gusto nating lahat matapos ang ating mga problema. May nalilimutan tayo. Nalilimutan nating manalangin. Nalilimutan nating huminto sumandali para tumingala sa langit. Para humingi ng gabay. Para magpasalamat. Para sabihin sa Kanyang mahalaga Siya sa atin.
Ngayong Linggo, ipinapaalala sa atin ang kahalagahan ng panalangin. Ipinapaalala rin sa atin kung gaano kabuti ang Diyos na laging tumutugon sa ating mga pagsamo.
"Humingi kayo, at kayo’y bibigyan; humanap kayo, at kayo’y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto’y bubuksan para sa inyo."
Kung hindi tayo matiis ng mga magulang natin dito sa lupa. Matitiis ba tayo ng ating Amang nasa langit? Hindi ba't lalo't higit Niya tayong pakikinggan? Siya na sa atin ay lumalang. Siya na sa ati'y nagmahal na simula pa noong una.
Sabi nga ng Diyos sa Kanyang bayan: "Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol niyang iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak, hindi ko kayo kakalimutan kahit sandali." (Isaias 49:15)
Kaya bago tayo mainis sa haba ng pila o sa haba ng trapik o sa tagal ng ating ipaghihintay, ipikit natin ang ating mga mata at sumambit ng isang panalangin. Samantalahin natin ang pagkakataon para kausapin Siya. Para sambitin sa Kanya ang ating mga pagsamo at pasasalamat.
Dahil sa totoo lang, kung mayro'n mang hindi kayang gawin ang Diyos, iyon ay ang tiisin ang isang taong sumasamo sa Kanya sa panalangin. Kaya stop to pray. It will not hurt. Talk to Him. Walang mawawala sa 'yo. Mas masarap kayang i-spend ang araw ng alam Mong kasama mo ang Diyos.

Panalangin:
O aming Amang laging nakikinig sa aming mga daing, narito po kaming Iyong mga ampong anak, sinagip ng Iyong Anak na si Hesus mula sa kamatayang dulot ng kasalanan, na sa Iyo'y laging nagtitiwala. Inilalagay po namin sa Iyong mga kamay ang aming buong buhay at pagkatao. Ang lahat ng ito'y nagmula sa Iyo at muli naming ibinabalik sa Iyo.
Idinadalangin po naming ipagkaloob mo sa aming lagi ang Iyong Banal na Espiritung Siyang aming Gabay, Tagapagpabanal at Tagapagkaloob ng Iyong mga biyayang kailangang-kailangan namin sa araw-araw. Nawa po, sa pamamagitan Niya, matutunan din naming magkaloob sa aming kapwa katulad ng walang kapaguran mong pagkakaloob sa amin.
Turuan Mo po kaming makuntento at ipagpasalamat ang lahat ng ito, maging ang kaliit-liitang mga biyaya, na nagmumula sa Iyo.
Sa mga pagkakataong nahihirapan kaming manalangin at hindi namin mabigkas ang mga salita, buksan Mo po ang aming mga puso upang ito ang mangusap sa Iyo. Batid Mo po ang laman nito. Alam Mo po ang mga tunay naming ninanais. Kung Iyo pong kalooban, alam po naming ipagkakaloob Mo ito sa tamang panahon.
Ang lahat ng ito sa Pangalan ni Hesus, kasama Mo at ng Espiritu Santo. Amen.
(Bigkasin ang Ama Namin.)