Ika-12 Linggo sa Kanariwang Panahon
25 Hunyo 2023
May mga dahilan tayo para matakot. Nasa balita ang mga nakatatakot na pangyayari. Kaguluhan. Aksidente. Krimen. Sakuna. (Isama pa riyan ang takot na dulot ng pandemya ng COVID-19.)
Ang iba nama'y may iba pang kinatatakutan o ang tinatawag na phobia. Takot sa matataas na lugar. Takot sa gagamba o sa ibang insekto. Takot sa dilim. Takot sa tao. Takot sa masisikip na lugar.
Mayro'n pa tayong tinatawag na stage fright o takot sa pagharap, pagpe-perform at pagharap sa maraming tao.
At hindi maganda ang epekto ng takot sa atin. Natataranta tayo kapag takot tayo. Dahil sa taranta, hindi nagiging maayos ang ating mga desisyon. Sumasablay tayo. Nakagagawa ng maling hakbang.
Malinaw ang mensahe ni Hesus sa Ebanghelyo natin ngayong Linggo. Huwag tayong matakot. Magtiwala tayo sa Diyos. Manalig tayong lagi natin Siyang kasama. Hindi Niya tayo pababayaan.
Na kahit anupaman ang nangyayari sa buhay natin ngayon, may Diyos tayong makakapitan. May Diyos tayong laging nakasubaybay sa atin. Na laging magtatanggol sa atin.
Na mamatay man ang ating katawang-lupa, may buhay na walang-hanggan sa sinumang sumasampalataya kay Hesus at tinatanggap Siya bilang personal na Tagapagligtas. Na kung sinusunod at isinasabuhay natin ang Kanyang mga turo, hindi tayo dapat mangamba.
Sinabi ito ni Hesus sa Kanyang mga alagad para sabihin sa kanila ang mga paghihirap na darating sa kanila. Na daranas sila ng mga pag-uusig at mga pasakit sa pagpapahayag nila ng Mabuting Balita.
Hindi higit na dakila ang alipin sa kanyang panginoon. Kung si Hesus nga na ating Panginoon ay dumanas ng mga paghihirap, tayo pa kayang mga lingkod lamang. Hindi tayo higit na dakila kay Hesus.
Ipinangako ng Diyos sa bayang Israel, "Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas." (Isaias 41:10)
Sinabi pa ni Hesus sa pagtatapos ng ating Gospel episode, "ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit."
Kaya huwag tayong matakot.
Panalangin:
Ama, Panginoon namin noon, ngayon at magpakailanman. Pagluwalhati at pagsamba ang handog namin sa Iyong paanan.
Narito kaming mga lingkod Mong sa Iyo'y nagsusumikap na sumunod. Ipagkaloob Mo po sa aming lagi ang Iyong Banal na Espiritung gabay, lakas at pag-asa namin sa pagharap namin sa pang-araw-araw na pagsubok sa aming buhay.
Alisin Mo po sa aming puso at isipan ang lahat ng aming takot at pag-aalinlangan. Magawa po sana naming tumulad sa Iyong Bugtong na Anak na sumunod sa Iyong kalooban sa kabila ng mga paghihirap. (Sa panahon pong ito ng pandemya, tulungan Mo po kaming lalong kumapit at magtiwala sa Iyo.)
Bigyan Mo po kami ng pusong handang magtiis at ng isipang handang maniwala sa Iyong kapangyarihan maging anuman ang aming kalagayan sa buhay.
Ang lahat ng ito sa matamis na pangalan ni Hesus, naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo. Amen.