24 - 30 Setyembre 2017



“Walang nagsisindi ng ilawan at tinatakpan ito ng palayok o inilalagay sa ilalim ng higaan.” (Lucas 8:16)

24 Set
25 Set
26 Set
27 Set
28 Set
29 Set
30 Set


24 Setyembre 2017
Ika-25 na Linggo sa Karaniwang Panahon

(I-click ang larawan)

‘Pumaroon din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.’ (Mateo 20:4)


25 Setyembre 2017
Pagbasa: Esdras 1:1-6; Salmo: Awit 126:1-6;
Mabuting Balita: Lucas 8:16-18

16 Walang nagsisindi ng ilawan at tinatakpan ito ng palayok o inilalagay sa ilalim ng higaan. Ipinapatong ito sa patungan para makita ng mga pumapasok ang liwanag. 17 Walang nalilihim na di mabubunyag ni natatakpan na di mahahayag at malalantad. 18 Kayat isip-isipin ninyo ang inyong naririnig dahil bibigyan pa nga ang mayroon at ang walang-wala naman, kahit na ang akala niyang kanya, ay aagawin sa kanya.”


San Cosme at
San Damian
26 Setyembre 2017
Pagbasa: Esdras 6:7-20; Salmo: Awit 122:1-5;
Mabuting Balita: Lucas 8:19-21

19 Pinuntahan naman siya ng kanyang ina at mga kapatid pero hindi sila makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao. 20 May nagsabi sa kanya: “Nakatayo sa labas ang iyong ina at mga kapatid, at gusto kang makita.” 21 Sumagot siya at sinabi sa kanila: “Ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at nagsasagawa nito, sila ang aking ina at aking mga kapatid.”


San Vicente de Paul
27 Setyembre 2017
Pagbasa: Esdras 9:5-9; Salmo: Tobit 13:2-6;
Mabuting Balita: Lucas 9:1-6

1 Tinawag ni Jesus ang Labindalawa at binigyan sila ng lakas at kapangyarihan para supilin ang lahat ng demonyo at magpagaling ng mga sakit. 2 Sinugo niya sila para ipahayag ang kaharian ng Diyos at magbigay-lunas.

3 Sinabi niya sa kanila: “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglakad, ni tungkod, ni supot, ni tinapay, ni salapi; huwag kayong magkaroon ng tigalwang bihisan. 4 Sa alinmang bahay kayo nakituloy, doon kayo tumigil hanggang sa pag-alis ninyo. 5 Kung may hindi tatanggap sa inyo, umalis kayo sa bayang iyon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa bilang sakdal laban sa kanila.”

6 Kaya nga lumabas sila at dumaan sa lahat ng bayan na nangangaral at nagpapagaling saanman.


San Lorenzo Ruiz
28 Setyembre 2017
Pagbasa: Ageo 1:1-8; Salmo: Awit 149:1-9;
Mabuting Balita: Lucas 9:7-9

7 Nabalitaan naman ng tetrarkang si Herodes ang lahat ng pangyayaring ito at litung-lito siya dahil may nagsasabing nabuhay mula sa mga patay si Juan. 8 Sinabi naman ng iba na nagpakita si Elias, at ng iba pa na isa sa mga propeta noon ang bumangon. 9 At sinabi ni Herodes: “Pinapugutan ko si Juan; sino nga kaya itong nababalitaan kong gumagawa ng mga iyon?” Kaya sinikap niyang makita siya.


San Miguel, San Gabriel at
San Rafael, mga Arkanghel
29 Setyembre 2017
Pagbasa: Pahayag 12:7-12; Salmo: Awit 138:1-5;
Mabuting Balita: Juan 1:47-51

47 Nakita ni Jesus si Natanael na palapit sa kanya at sinabi niya tungkol sa kanya: “Hayan, isang totoong Israelitang walang pagkukunwari.” 48 Sinabi sa kanya ni Natanael: “Paano mo ako nakilala?” Sumagot sa kanya si Jesus: “Bago ka pa man tawagin ni Felipe, habang nasa ilalim ka ng punong-igos, nakita na kita.”

49 Sumagot si Natanael: “Rabbi, ikaw ang Anak ng Diyos, ikaw ang Hari ng Israel.” 50 Sumagot si Jesus: Sinabi ko lang sa iyong nakita kita sa ilalim ng punong-igos, at naniniwala ka na? Higit pa sa mga ito ang makikita mo.”

51 At idinugtong ni Jesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, makikita ninyong bukas na ang langit at panhik-panaog sa Anak ng Tao ang mga anghel ng Diyos.”


San Jeronimo
30 Setyembre 2017
Pagbasa: Zacarias 2:5-15; Salmo: Jeremias 31:10-13;
Mabuting Balita: Lucas 9:43-45

43 Lubos na namangha ang lahat dahil sa kadakilaan ng Diyos.

Nang lubos na nagtataka ang lahat dahil sa mga ginagawa ni Jesus, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 44 “Itanim ninyong mabuti sa inyong pandinig ang mga kataga kong ito: ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao.” 45 Hindi nila naintindihan ang pahayag na ito at nalingid ito sa kanila upang hindi nila maunawaan. At takot naman silang magtanong sa kanya tungkol sa pahayag na ito.

24 Set
25 Set
26 Set
27 Set
28 Set
29 Set
30 Set

Mga kasulyap-sulyap ngayon: