15 - 21 Oktubre 2017

 Daily Gospel Sa Isang Buong Linggo


Lumakad na kayo. Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. (Lucas 10:3)

15 Okt
16 Okt
17 Okt
18 Okt
19 Okt
20 Okt
21 Okt


15 Oktubre 2017
Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon

(I-click ang larawan)

"Sapagkat marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang nahihirang.”
(Mateo 22:14)


Sta. Eduviges at Sta. Margarita de
Alacoque
16 Oktubre 2017
Pagbasa: Roma 1:1-7; Salmo: Awit 98:1-4;
Mabuting Balita:  Lucas 11:29-32

29 Nang dumadagsa na ang mga tao, nagsimulang magsalita si Jesus: “Masamang lahi ang lahing ito; humihingi ito ng palatandaan pero walang ibang palatandaang ibibigay rito kundi ang palatandaan ni Jonas. 30 At kung paanong naging palatandaan si Jonas para sa mga taga-Ninive, gayundin naman ang Anak ng Tao para sa mga tao sa kasalukuyan. 31 Sa paghuhukom, babangon ang Reyna ng Timog kasama ng mga lalaki ng lahing ito at hahatulan sila. Sapagkat dumating siya mula sa kabilang dulo ng mundo para masaksihan ang karunungan ni Solomon at dito’y may mas dakila pa kay Solomon. 32 Sa paghuhukom, babangon ang mga lalaking taga-Ninive kasama ng salinlahing ito at hahatulan nila ito dahil nagbalik-loob sila sa pangangaral ni Jonas; at dito’y may mas dakila pa kay Jonas. 


San Ignacio de Antioquia
17 Oktubre 2017
Pagbasa: Roma 1:16-25; Salmo: Awit 19:2-5;
Mabuting Balita:  Lucas 11:37-41

37 Matapos magsalita si Jesus, inanyayahan siya ng isang Pariseo na kumain sa bahay nito. Pumasok siya at dumulog sa hapag. 38 At nagtaka ang Pariseo nang makitang hindi muna siya naghugas ng kamay bago kumain. 39 Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon: “Kayong mga Pariseo, ugali ninyong linisin ang labas ng mga baso’t pinggan pero nag-uumapaw naman sa kasakiman at kasamaan ang inyong loob! 40 Mga hangal! Di ba’t ang maygawa ng labas ang siya ring maygawa ng loob? 41 Pero naglilimos lamang kayo at sa akala ninyo’y malinis na ang lahat.


San Lucas, Ebanghelista
18 Oktubre 2017
Pagbasa: 2 Timoteo 4:9-17; Salmo: Awit 145:10-18;
Mabuting Balita:  Lucas 10:1-9

1 Pagkatapos nito, humirang ang Panginoon ng iba pang pitumpu’t dalawa at isinugo silang dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat bayan at lugar na takda niyang puntahan. 2 Sinabi niya sa kanila: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa; idalangin ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani. 3 Lumakad na kayo. Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. 4 Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o mga sandalyas. At huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan.

5 Saanmang bahay kayo pumasok, sabihin muna ninyo: ‘Mapasatahanang ito ang kapayapaan!’ 6 Kung mapayapang tao ang naroon, sasakanya ang inyong kapayapaan. Kung hindi’y magbabalik sa inyo ang inyong dasal. 7 At sa bahay na iyon kayo manatili; kumain kayo at uminom na kasalo nila sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang sahod. Huwag kayong magpapapalit-palit ng bahay.

8 Saanmang bayan kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kanin ninyo anumang ihain sa inyo. 9 Pagalingin din ninyo ang mga maysakit doon at sabihin ninyo sa kanila: ‘Palapit na sa inyo ang kaharian ng Diyos.’


San Juan de Brebeuf, San Isaac
Jogues at mga kasama; at
San Pablo De La Cruz
19 Oktubre 2017
Pagbasa: Roma 3:21-29; Salmo: Awit 130:1-6;
Mabuting Balita:  Lucas 11:47-54

47 Sawimpalad kayong nagtatayo ng mga puntod sa mga propetang pinatay ng inyong mga ama. 48 Sa gayon ninyo inaamin at sinasang-ayunan ang mga ginawa ng inyong mga ama; iniligpit nila ang mga propeta, at makapagtatayo na kayo ngayon.

49 (Sinabi rin ng Karunungan ng Diyos:) Nagsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol ngunit uusigin nila at papatayin ang ilan sa kanila. 50 Kayat papapanagutin ang salinlahing ito sa dugo ng lahat ng propeta, sa dugong nabuhos mula pa sa pagkatatag ng mundo, 51 mula sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na nasawi sa pagitan ng altar at ng santuwaryo. Oo, sinasabi ko sa inyo, papapanagutin ang salinlahing ito.

52 Sawimpalad kayong mga guro ng Batas na umagaw sa susi ng kaalaman. Hindi na kayo pumasok at hinadlangan pa ninyo ang mga makapapasok.”

53 Pagkatapos ay umalis si Jesus at sinimulan naman ng mga guro ng Batas at mga Pariseo na mahigpit na makipagtalo sa kanya. Pinapagsalita nila siya tungkol sa maraming bagay 54 at pilit na sinisilo sa anumang sinasabi niya. 


20 Oktubre 2017
Pagbasa: Roma 4:1-8; Salmo: Awit 32:1-11;
Mabuting Balita:  Lucas 12:1-7

1 Nang magkatipon ang libu-libong tao hanggang magkatapakan na sila, sinimulang sabihin ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat muna kayo sa lebadura ng mga Pariseo, na walang iba kundi ang pagkukunwari.

2 Walang tinatakpan na di mabubunyag, walang natatago na di malalaman. 3 Kaya naman, ang sinabi ninyo sa dilim, sa liwanag maririnig; at ang ibinulong ninyo sa mga kuwarto, sa bubungan ipahahayag.

4 Sinasabi ko naman ito sa inyo na mga kaibigan ko: huwag ninyong katakutan ang mga nakapapatay sa katawan at wala nang magagawa pa. 5 Ituturo ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: matakot kayo sa may kapangyarihang pumatay at may kapangyarihan pang magbulid sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, ito ang katakutan ninyo. 6 Di ba’t ipinagbibili nang dalawang pera ang limang maya? Subalit isa man sa kanila’y di nalilimutan ng Diyos. 7 Bilang na pati ang lahat ng buhok sa inyong ulo. Huwag kayong matakot; mas mahalaga pa kayo kaysa maraming maya.


21 Oktubre 2017
Pagbasa: Roma 4:13-18; Salmo: Awit 105:6-43;
Mabuting Balita:  Lucas 12:8-12

8 Sinasabi ko sa inyo: sinumang kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin din ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos. 9 At ang ayaw kumilala sa akin sa harap ng mga tao’y hindi rin kikilalanin sa harap ng mga anghel ng Diyos.

10 Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapapatawad, ngunit ang sinumang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapapatawad. 11 Dalhin man nila kayo sa harap ng mga sinagoga at mga namumuno at mga maykapangyarihan, huwag kayong mabalisa kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili o kung ano ang inyong sasabihin. 12 Sapagkat ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo sa oras na iyon ng dapat na sabihin.”

15 Okt
16 Okt
17 Okt
18 Okt
19 Okt
20 Okt
21 Okt

Mga kasulyap-sulyap ngayon: