“Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawahin ko kayo.” (Mateo 11:28)
09 Disyembre 2018
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
|
|
|
|
|
|
|
09 Disyembre 2018
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
(I-click ang larawan)
“Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!’” (Lucas 3:4)
Pagbasa: Isaias 35:1-10; Salmo: Awit 85:9-14;
Mabuting Balita: Lucas 5:17-26
17 Isang araw, nagtuturo siya at nakaupo naman ang mga Pariseo at mga guro ng Batas na galing sa iba’t ibang bayan ng Galilea at Judea at mula sa Jerusalem. Gumagawa ang kapangyarihan ng Panginoon sa kanya na magpagaling. 18 May mga lalaking dumating na dala sa isang papag ang isang lalaking paralitiko. Sinikap nilang dalhin siya at ilagay sa harapan ni Jesus. 19 Nang hindi nila makita kung paano nila madadala ang paralitiko dahil sa dami ng tao, umakyat sila sa bubungan at sa bubong nila siya idinaan pababa na nasa kanyang papag hanggang sa gitna sa harap ni Jesus.
20 Nang makita niya ang kanilang pananalig, sinabi niya: “Kaibigan, pinatatawad ka sa iyong mga kasalanan.” 21 Nagsimula noong mag-isip-isip ang mga guro ng Batas at mga Pariseo: “Talagang iniinsulto ng taong ito ang Diyos. Sino ba ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan? Di ba’t ang Diyos lamang?”
22 Ngunit alam ni Jesus ang kanilang mga pag-iisip kaya sinabi niya sa kanila: “Ano ang mga kaisipan ninyong ito? 23 Ano ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatatawad ka sa iyong mga kasalanan’ o ‘Tumayo ka’t lumakad’? 24 Dapat ninyong malaman na may kapangyarihan sa lupa ang Anak ng Tao na magpatawad ng mga kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko: “Sinasabi ko sa iyo: bumangon ka, dalhin ang iyong higaan at umuwi.” 25 At kapagdaka’y tumayo siya sa harap nila, kinuha ang kanyang higaan at umuwing nagpupuri sa Diyos.
26 Namangha ang lahat at nagpuri sa Diyos. Nasindak nga sila at sinabi: “Nakakita tayo ng mga kagila-gilalas na bagay sa araw na ito!”
San Damaso I |
Pagbasa: Isaias 40:1-11; Salmo: Awit 96:1-13;
Mabuting Balita: Mateo 18:12-14
12 Ano sa palagay ninyo? Kung may sandaang tupa ang isang tao at naligaw ang isa sa mga ito, hindi ba niya iiwan sa kaburulan ang siyamnapu’t siyam para hanapin ang naliligaw? 13 At sinasabi ko sa inyo: Kapag nakita niya ito, mas matutuwa pa siya rito kaysa siyamnapu’t siyam na hindi naligaw. 14 Gayundin naman, ayaw ng inyong Amang nasa Langit na mawala isa man sa maliliit na ito.
Mahal na Birhen ng Guadaupe |
Pagbasa: Isaias 40:25-31; Salmo: Awit 103:1-10;
Mabuting Balita: Mateo 11:28-30
28 Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawahin ko kayo. 29 Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin, akong mahinahon at mababang-loob, at makakatagpo kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. 30 Sapagkat mahusay ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.”
Sta. Lucia |
Pagbasa: Isaias 41:13-20; Salmo: Awit 145:1-13;
Mabuting Balita: Mateo 11:11-15
11 Talagang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman sa mga kilalang tao ngayon ang mas dakila pa kay Juang tagapagbinyag, pero mas dakila sa kanya ang pinakamaliit sa kaharian ng Langit. 12 Mula sa panahon ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng Langit ay kailangang agawin, at ang mga buo ang loob ang umaagaw nito.
13 Pagpopropesiya nga lamang ang panahon ng Mga Propeta at ng Batas hanggang kay Juan. 14 At kung gusto ninyo itong tanggapin, si Juan ang Elias na darating. 15 Makinig ang may tainga.
San Juan de la Cruz |
Pagbasa: Isaias 48:17-19; Salmo: Awit 1:1-6;
Mabuting Balita: Mateo 11:16-19
16 Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuyan? Para silang mga batang nakaupo sa mga plasa at nagkakantahan, at nagrereklamo ang ilan sa kanila: 17 ‘Tinugtog namin ang plauta para sa inyo pero ayaw ninyong sumayaw, at nang umawit naman kami ng malungkot na awit, ayaw din ninyong umiyak!’
18 Ganito rin ang nangyari: Dumating muna si Juan na nag-aayuno, at sabi ng mga tao: ‘Inaalihan siya ng demonyo.’ 19 At saka dumating ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at ang sabi ng mga tao: ‘Lasenggo at matakaw, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan!’ Gayon pa man, mapatutunayang tama ang karunungan ng Diyos sa mga gawa nito.”
Pagbasa: Sirac 48:1-11; Salmo: Awit 80:2-19;
Mabuting Balita: Mateo 17:10-13
10 Tinanong naman siya ng mga alagad: “Bakit sinasabi ng mga guro ng Batas na dapat munang pumarito si Elias?” 11 At sumagot si Jesus: “Dapat nga munang dumating si Elias para ayusin ang lahat ng bagay. 12 Ngunit sinasabi ko sa inyo na dumating na si Elias pero hindi nila siya nakilala, at pinakitunguhan nila siya ayon sa kanilang kagustuhan. At sa gayon ding paraan magdurusa ang Anak ng Tao sa kamay nila.”
1 3 At naunawaan ng mga alagad na si Juan Bautista ang tinutukoy ni Jesus.
|
|
|
|
|
|
|