Sabado de Gloria - 20 Abril 2019 2/8

Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay
(Ikalawang Pagbasa at Salmo)

Ebanghelyo At Mga Pagbasa


“Akong Panginoon ang nangangako sa iyo: yamang hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak, pagpapalain kita. Ang lahi mo’y magiging sindami ng bituin sa langit at ng buhangin sa dagat.” (Genesis 22:16-17)


Ikalawang Pagbasa: Gen 22:1-2.9.10-13.15-18

(T – Tagapagsalaysay, D – Diyos)

T –Noong mga araw na iyon: Sinubok ng Diyos si Abraham. Tinawag siya ng Diyos at tumugon naman siya. Sinabi sa kanya, 

D– Isama mo ang pinakamamahal mong anak na si Isaac, at magpunta kayo sa lupain ng Moria. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo, at ihandog mo siya sa akin. 

T – Pagsapit nila sa dakong itinuro ng Diyos, gumawa ng dambana si Abraham. Inayos niya sa ibabaw nito ang panggatong. Nang sasaksakin na niya ang bata, tinawag siya ng anghel ng Panginoon at mula sa langit ay sinabi: 

D–Abraham, Abraham! Huwag mong patayin ang bata. Huwag mo siyang saktan! Naipakita mo nang handa kang sumunod sa Diyos, sapagkat hindi mo ipinagkait sa kanya ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak. 

T – Paglingon niya’y may nakita siyang isang lalaking tupa na ang mga sungay ay napasabit sa mga sanga ng kahoy. Ito ang kinuha ni Abraham at inihandog kapalit ng kanyang anak. Mula sa langit, nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ng Panginoon. Wika nito, 

D–Akong Panginoon ang nangangako sa iyo: yamang hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak, pagpapalain kita. Ang lahi mo’y magiging sindami ng bituin sa langit at ng buhangin sa dagat. Lulupigin nila ang mga lunsod ng kanilang mga kaaway. Sa pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sapagkat ikaw ay tumalima sa akin.

Salmo: Awit 15 

Tugon: D’yos ko, ang aking dalangi’y 
             ako’y iyong tangkilikin!

Ikaw lamang, Panginoon, ang lahat sa aking buhay, 
ako’y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan; 
ang biyayang kaloob mo ay kahanga-hangang tunay. 
Nababatid ko na ika’y kasama ko orasoras, 
sa piling mo kailanma’y hindi ako matitinag. 

Kaya’t ako’y nagdiriwang, ang diwa ko’y nagagalak, 
ang lagi kong nadarama’y hindi ako matitinag. 
Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay malagak, 
sa balon ng mga patay upang doon ay maagnas. 

Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan, 
sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan; 
ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: