27 Oktubre - 02 Nobyembre 2019



Ano ang katulad ng kaharian ng Diyos? Sa ano ito maikukumpara? Tulad ito sa buto ng mustasa na kinuha ng isang tao at itinanim sa kanyang hardin...” (Lucas 13:18-19)

27 Okt
28 Okt
29 Okt
30 Okt
31 Okt
01 Nob
02 Nob


27 Oktubre 2019
Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon

(I-click ang larawan)

“Sinasabi ko sa inyo: ang lalaking ito’y umuwing kinalulugdan ng Diyos, ngunit hindi ang isa. Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.” (Lucas 17:19)


San Simon at San Judas Tadeo
28 Oktubre 2019
Pagbasa: Efeso 2:19-22; Salmo: Awit 19:2-5;
Mabuting Balita: Lucas 6:12-16

12 Nang panahong iyon, umakyat si Jesus sa bundok para manalangin at magpalipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. 13 Nang nag-umaga na, tinawag niya ang kanyang mga alagad at pumili siya ng labindalawa sa kanila na tinawag niyang apostol: 14 si Simon na pinangalanan niyang Pedro, si Andres na kapatid nito; si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, 15 si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, si Simon na tinataguriang Zelota, 16 si Judas na kamag-anak ni Jaime, at si Judas Iskariote na naging tagapagkanulo.


29 Oktubre 2019
Pagbasa: Roma 8:18-25; Salmo: Awit 126:1-6;
Mabuting Balita: Lucas 13:18-21

18 Sinabi pa ni Jesus: “Ano ang katulad ng kaharian ng Diyos? Sa ano ito maikukumpara? 19 Tulad ito sa buto ng mustasa na kinuha ng isang tao at itinanim sa kanyang hardin: lumaki, naging parang puno at sumisilong sa kanyang mga sanga ang mga ibon ng langit.”

20 At sinabi niya uli: “Sa ano ko ikukumpara ang kaharian ng Diyos? 21 Katulad ito ng lebadura na kinuha ng isang babae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang umalsa ang buong masa.”


30 Oktubre 2019
Pagbasa: Roma 8:26-30; Salmo: Awit 13:4-6;
Mabuting Balita: Lucas 13:22-30

22 Dumaan si Jesus sa mga lunsod at mga nayon, na nagangaral habang papunta siya sa Jerusalem. 23 May nagtanong sa kanya: “Panginoon, kakaunti nga ba ang maliligtas?” At sinabi ni Jesus sa mga tao: 24 “Magpumilit kayong pumasok sa makipot na pintuan sapagkat sinasabi ko sa inyo: marami ang gustong pumasok at di makapapasok. 25 Kapag tumindig na ang may-ari ng bahay at naisara na ang pinto, tatayo kayo sa labas na kumakatok at magsasabing ‘Panginoon, buksan mo kami.’ Sasagot naman siya sa inyo: ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo.’

26 Kaya sasabihin ninyo: ‘Kami ang kumain at uminom na kasalo mo, at sa aming mga lansangan ka nangaral.’ 27 Pero sasagutin niya kayo: ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo. Lumayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama.’  28 Naroon ang iyakan at pag-ngangalit ng mga ngipin pagkakita ninyo kina Abraham, Isaac, Jacob at sa lahat ng propeta sa kaharian ng Diyos, at ipagtatabuyan naman kayo sa labas. 29 At makikisalo naman sa Kaharian ng Diyos ang mga darating mula sa silangan, kanluran, timog at hilaga. 30 Oo, may mga huli ngayon na mauuna at may mga una na mahuhuli.”


31 Oktubre 2019
Pagbasa: Roma 8:31-39; Salmo: Awit 109:21-31;
Mabuting Balita: Lucas 13:31-35

31 Nang sandaling iyo’y dumating ang ilang Pariseo at binalaan siya: “Umalis ka rito at pumunta sa ibang lugar. Gusto kang ipapatay ni Herodes.” 32 Sinabi naman ni Jesus: “Puntahan ninyo ang musang na ’yon at sabihin sa kanya: ‘Ngayon at bukas ay nagpapalayas ako ng mga demonyo at nagpapagaling at nasa ikatlong araw ang katapusan ko.’ 33 Subalit dapat akong maglakad ngayon, bukas at sa susunod na araw sapagkat hindi bagay na mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta.

34 Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga sinugo sa iyo. Gaano kadalas kong ginustong tipunin ang iyong mga anak gaya ng pagyupyop ng inahin sa kanyang mga sisiw pero tumanggi ka nga. 35 Ngayon, iiwanan ang inyong Bahay. Sinasabi ko nga sa inyo na hindi na ninyo ako makikita hanggang di sumasapit ang panahon na sabihin ninyo: Mapalad ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.”


Kapistahan ng mga Banal
01 Nobyembre 2019
Unang Pagbasa: Pahayag 7:2-14; Salmo: Awit 24:1-6; Ikalawang Pagbasa: 1 Juan 3:1-3;
Mabuting Balita: Mateo 5:1-12

1 Nang makita ni Jesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad. 2 At nagsimula siyang magturo sa kanila:

3 “Mapapalad ang mga may diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaharian ng Langit.
4 Mapapalad ang mga nagluluksa sapagkat pagiginhawahin sila.
5 Mapapalad ang mga di-marahas sapagkat mapapasakanila ang lupain.
6 Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubusugin sila.
7 Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawaan sila.
8 Mapapalad ang mga may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos.
9 Mapapalad ang mga nagpupunyagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. 
10 Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang Kaharian ng Langit.
11 Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri dahil sa akin. 12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang gantimpalang nasa Diyos para sa inyo. Ganito rin pinag-usig ang mga propetang nauna sa inyo.


Araw ng mga Kaluluwa
02 Nobyembre 2019
Unang Pagbasa: Karunungan 3:1-9; Salmo: Awit 23:1-6; Ikalawang Pagbasa: Roma 5:5-11;
Mabuting Balita: Juan 6:37-40

37 Lalapit sa akin ang bawat ibinibigay sa akin ng Ama, at hinding-hindi ko ipagtatabuyan sa labas ang lumalapit sa akin. 38 Sapagkat pumanaog ako mula sa Langit hindi para gawin ang aking kalooban kundi ang kalooban ng nagpadala sa akin. 

39 Ito ang kalooban ng nagpadala sa akin: na huwag kong pabayaang mawala ang bawat ibinigay niya sa akin; sa halip ay itatayo ko ito sa huling araw. 40 Ito nga ang kalooban ng Ama ko: magkakaroon ng buhay magpakailanman ang bawat pumapansin sa Anak at nananalig sa kanya, at itatayo ko siya sa huling araw.”


27 Okt
28 Okt
29 Okt
30 Okt
31 Okt
01 Nob
02 Nob

Mga kasulyap-sulyap ngayon: