Daily Gospel - 11 Hunyo 2020


Huwag magdala ng balutan o sobrang damit o sandalyas o tungkod, sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang ikabubuhay. (Mateo 10:10)

San Barnabas, Apostol
Pagbasa: Gawa 11:22–13:3; Salmo: Awit 98:1-6;
Mabuting Balita: Mateo 10:7-13

7 Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaharian ng Langit.’ 8 Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga mayketong at palayasin ang mga demonyo. Tinanggap ninyo ito nang walang bayad kaya ibigay rin ninyo nang walang bayad. 9 Huwag magdala ng ginto, pilak o pera sa inyong mga bulsa. 10 Huwag magdala ng balutan o sobrang damit o sandalyas o tungkod, sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang ikabubuhay. 

11 Pagdating ninyo sa isang bayan o baryo, maghanap ng isang taong karapat-dapat at makituloy sa kanya hanggang sa inyong pag-alis.

12 Pagpasok ninyo sa isang tahanan, dasalan ito ng kapayapaan. 13 Kung karapat-dapat ang sambahayang ito, sasakanila ang kapayapaang dinasal ninyo; kung hindi naman karapat-dapat, babalik sa inyo ang inyong dasal. 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: