Daily Gospel - 23 Hunyo 2020


Napakakipot naman ang pintong papunta sa buhay at mabalakid ang daan at kakaunti ang mga nakakatagpo rito. (Mateo 7:14)

Pagbasa: 2 Hari 19:9-36; Salmo: Awit 48:2-11;
Mabuting Balita:  Mateo 7:6-14

6 Huwag ibigay ang banal sa mga aso o itapon ang inyong perlas sa mga baboy, at baka yapakan nila ito at balikan kayo at lapain.

7 Humingi at kayo’y bibigyan; maghanap at matatagpuan ninyo; kumatok at bubuksan ang pinto para sa inyo. 8 Talaga ngang tumatanggap ang humihingi, nakakakita ang naghahanap, at pagbubuksan ang kumakatok.  9 Sino sa inyo ang magbibigay ng bato sa kanyang anak kung tinapay ang hinihingi nito? 10 Sino ang magbibigay ng ahas kung isda ang hinihingi nito? 11 Kahit masama kayo, marunong kayong magbigay ng mabuting bagay sa inyong mga anak. Gaano pa kaya ang inyong Amang nasa Langit? Magbibigay siya ng mabubuting bagay sa mga hihingi sa kanya.

12 Kaya gawin ninyo sa iba ang gusto ninyong gawin sa inyo, ito ang nasa Batas at Mga Propeta.

13 Pumasok sa makipot na pinto sapagkat malapad ang pintuan at malawak ang daan papunta sa kapariwaraan, at marami ang pumapasok doon. 14 Napakakipot naman ang pintong papunta sa buhay at mabalakid ang daan at kakaunti ang mga nakakatagpo rito.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: