Daily Gospel - 21 Hulyo 2020


“Narito ang aking ina at mga kapatid. Ang nagsasagawa sa kalooban ng aking Ama sa Langit ang aking kapatid na lalaki at kapatid na babae at ina.” (Mateo 12:49-50)

San Lorenzo de Brindisi
Pagbasa:  Mi 7:14-20; Salmo: Awit 85:2-8;
Mabuting Balita: Mateo 12:46-50

46 Nagsasalita pa si Jesus sa mga tao nang dumating ang kanyang ina at mga kapatid para makipag-usap sa kanya, at naghihintay sila sa labas. 47 Kaya may nagsabi sa kanya: “Nasa labas ang iyong ina at mga kapatid; gusto ka nilang makausap.”

48 Sumagot si Jesus sa nagsabi sa kanya: “Sino ang aking ina? Sino ang aking mga kapatid?” 49 At itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi: “Narito ang aking ina at mga kapatid. 50 Ang nagsasagawa sa kalooban ng aking Ama sa Langit ang aking kapatid na lalaki at kapatid na babae at ina.”

Mga kasulyap-sulyap ngayon: