Sinagot sila ni Jesus: “Gibain n’yo ang templong ito, at ibabangon ko ito sa tatlong araw.” (Juan 2:19)
Unang Pagbasa: Ezekiel 47:1-12; Salmo: Awit 46:2-9; Ikalawang Pagbasa: 1 Corinto 3:9-17; Mabuting Balita: Juan 2:13-22Pagtatalaga ng Basilika Laterano
18 Kaya sumagot ang mga Judio: “Anong tanda ang maipapakita mo sa amin at ginagawa mo ito?” 19 Sinagot sila ni Jesus: “Gibain n’yo ang templong ito, at ibabangon ko ito sa tatlong araw.”
20 Sinabi naman ng mga Judio: “Apatnapu’t anim na taon nang itinatayo ang templong ito, at ibabangon mo ito sa tatlong araw?” 21 Ngunit and templong katawan niya ang kanyang tinutukoy. 22 Nang ibangon siya mula sa mga patay, naalaala ng kanyang mga alagad ang sinabi niyang ito. Kaya naniwala sila sa Kasulatan at sa salitang sinabi ni Jesus.