Daily Gospel - 14 Disyembre 2020


Saan galing ang pagbibinyag ni Juan, sa Diyos ba o sa tao?”  (Mateo 21:25)
San Juan dela Cruz
Pagbasa: Bilang 24:2-17; Salmo: Awit 25:4-9;
Mabuting Balita: Mateo 21:23-27

23 Pagpasok ni Jesus sa Templo, lumapit sa kanya ang mga punong-pari, mga guro ng Batas at mga Matatanda ng mga Judio, at nagtanong: “Ano ang karapatan mong gawin ang mga ito? Sino ang nagtalaga sa iyo?”

24 Sinagot sila ni Jesus: “Tatanungin ko rin kayo ng isang tanong. At kung may sagot kayo, sasagutin ko kayo kung sino ang nagtalaga sa akin para sa mga ito. 25 Saan galing ang pagbibinyag ni Juan, sa Diyos ba o sa tao?” 

At nag-isip-isip sila: “Kung isasagot nating galing sa Diyos, sasabihin niya: ‘Bakit di kayo naniwala sa kanya?’ 26 At kung sasabihin naman nating ‘Galing lamang sa tao ang pagbibinyag ni Juan,’ dapat tayong matakot sa bayan sapagkat akala nila’y tunay na propeta si Juan.” 27 Kaya sinabi nila kay Jesus: “Hindi namin alam.”

At sinabi sa kanila ni Jesus: “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sino ang nagtalaga sa akin na gumawa ng mga ito.” 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: