Daily Gospel - 30 Nobyembre 2020


Agad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya. (Mateo 4:20)
San Andres,
Apostol
Pagbasa: Roma 10:9-18; Salmo: Awit 19:8-11; 
Mabuting Balita: Mateo 4:18-22

18 Sa paglalakad ni Jesus sa pampang ng lawa ng Galilea, nakita niya ang  magkapatid na Simon na tinawag na Pedro at Andres na naghahagis ng mga lambat dahil mga mangingisda sila. 19 Sinabi niya sa kanila: “Halikayo, sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mangingisda ng tao.”

20 Agad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya.   
  

21 Nagpatuloy siya sa paglakad at nakita naman niya ang magkapatid na Jaime at Juan na mga anak ni Zebedeo. Nasa bangka sila kasama ng kanilang amang si Zebedeo at nagsusursi ng kanilang lambat. Tinawag sila ni Jesus. 22 Agad nilang iniwan ang bangka nila at ang kanilang ama, at nagsimulang sumunod sa kanya. 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: