Daily Gospel - 08 Abril 2021


“Bakit kayo naliligalig at pumapasok ang alinlangan sa inyong isipan? 39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa, ako nga siya. Hipuin ninyo ako at unawain ninyo na walang laman at mga buto ang isang espiritu, at nakikita ninyo na meron ako.” (Lucas 24:39)

Pagbasa: Gawa 3:11-26; Salmo: Awit 8:2-9;
Mabuting Balita: Lucas 24:35-48

35 At isinalaysay naman nila ang nangyari sa daan at kung paano nila siya nakilala sa pagpipiraso ng tinapay.

36 Habang pinag-uusapan nila ang mga ito, tumayo siya mismo sa gitna nila (at sinabi sa kanila: “Huwag kayong matakot, sumainyo ang kapayapaan!”). 37 Nagulat nga sila at natakot, at akala’y nakakakita sila ng kung anong espiritu. 38 Ngunit sinabi niya sa kanila: “Bakit kayo naliligalig at pumapasok ang alinlangan sa inyong isipan? 39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa, ako nga siya. Hipuin ninyo ako at unawain ninyo na walang laman at mga buto ang isang espiritu, at nakikita ninyo na meron ako.” (40 Matapos masabi ito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at paa.)

41 Hindi sila makapaniwala sa labis na galak at nagtataka pa rin kaya sinabi niya sa kanila: “May makakain ba kayo rito?” 42 At binigyan nila siya ng isang pirasong inihaw na isda (at pulot-pukyutan). 43 Kinuha niya iyon at kumain sa harap nila.

44 Sinabi niya sa kanila: “Sinabi ko na sa inyo ang mga ito nang kasama ninyo ako: kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Batas ni Moises, Mga Propeta at Mga Salmo.”

45 At binuksan niya ang kanilang isipan para maunawaan nila ang mga Kasulatan. 46 Sinabi niya: “Ganito ang nasusulat: kailangang magdusa ang Mesiyas at pagkamatay niya’y buhayin sa ikatlong araw. 47 Sa ngalan niya ipahahayag sa lahat ng bansa ang pagsisisi at ang kapatawaran ng mga kasalanan – sa Jerusalem kayo magsisimula. 48 Kayo ang magiging mga saksi sa mga ito. 49 Ipadadala ko naman ngayon sa inyo ang ipinangako ng aking Ama kaya manatili kayo sa lunsod hanggang mabihisan kayo ng lakas mula sa itaas.”

Mga kasulyap-sulyap ngayon: