Daily Gospel - 12 Enero 2021


“Ano ito? Isang bagong pagtuturo na may kapangyarihan! Inuutusan niya kahit maruruming espiritu at sinusunod nila siya.” (Marcos 1:27)

Pagbasa: Hebreo 2:5-12; Salmo: Awit 8:2-9;
Mabuting Balita: Marcos 1:21-28

21 At pumunta sila sa Capernaum. At nagturo siya sa sinagoga sa mga Araw ng Pahinga. 22 Nagulat ang mga tao sa kanyang pangangaral sapagkat nangaral siya nang may kapangyarihan, hindi gaya ng mga guro ng Batas.

23 May isang tao sa sinagoga na inaalihan ng isang maruming espiritu. 24 Sumigaw ito: “Ano ang kailangan mo sa akin, Jesus na taga-Nazaret? Para ipahamak kami kaya ka dumating. Alam ko kung sino ka: ang Banal ng Diyos.”

25 Ngunit iniutos sa kanya ni Jesus: “Tumahimik ka’t lumabas sa kanya.” 26 Matinding niyugyog ng espiritu ang taong iyon at pagkasigaw nang malakas ay saka lumabas.

27 Talagang takang-taka ang lahat at nag-usap-usap sila: “Ano ito? Isang bagong pagtuturo na may kapangyarihan! Inuutusan niya kahit maruruming espiritu at sinusunod nila siya.” 28 At lumaganap ang katanyagan niya saan man sa buong lupain ng Galilea.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: