Daily Gospel - 14 Enero 2021


Nahabag si Jesus sa kanya, iniunat ang kanyang kamay, hinipo siya at sinabi: “Gusto ko, luminis ka!” (Marcos 1:41)

Pagbasa: Hebreo 3:7-14; Salmo: Awit 95:6-11;
Mabuting Balita: Marcos 1:40-45

40 Lumapit sa kanya ang isang mayketong at nakiusap sa kanya: “Kung gusto mo, mapalilinis mo ako.” 41 Nahabag si Jesus sa kanya, iniunat ang kanyang kamay, hinipo siya at sinabi: “Gusto ko, luminis ka!” 42 Nang oras ding iyon, iniwan ang lalaki ng kanyang ketong at luminis siya.

43 Ngunit mahigpit siyang pinagbilinan ni Jesus sa kanyang pag-alis, 44 sinabi niya: “Mag-ingat ka, huwag mo itong sabihin kaninuman, kundi pumunta ka sa pari para masuri ka niya at maialay alang-alang sa pagkalinis sa iyo ang handog na iniutos ni Moises upang magkaroon sila ng patunay.”

45 Ngunit pagkaalis ng tao, sinimulan niyang ipahayag ito kahit saan at ipamalita ang pangyayaring ito. Dahil dito, hindi na lantarang makapasok sa bayan si Jesus kundi nanatili siya sa labas, sa mga ilang na lugar. Ngunit may dumarating pa rin sa kanya na kung saan-saan galing.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: