Daily Gospel - 22 Abril 2021

"Ako siyang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At ang laman ko ang tinapay na aking ibibigay alang-alang sa ikabubuhay ng mundo." (Juan 6:51)

Pagbasa: Gawa 8:26-40; Awit 66:8-20;
Mabuting Balita: Juan 6:44-51

44 “Walang makalalapit sa akin kung hindi siya aakitin ng Amang nagpadala sa akin. At itatayo ko siya sa huling araw. 45 Nasusulat sa Mga Propeta: Tuturuan nga silang lahat ng Diyos. Kaya lumalapit sa akin ang bawat nakarinig at tinuruan ng Ama.
46 Wala ngang nakakita sa Ama liban sa kanya na galing sa Diyos; siya ang nakakita sa Diyos. 47 Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, may buhay magpakailanman ang naniniwala.

48 Ako siyang tinapay ng buhay. 49 Kumain nga ng manna sa disyerto ang inyong mga ninuno at nangamatay pa rin. 50 Narito naman ang tinapay na pumapanaog mula sa Langit, upang makakain nito ang sinuman at di mamatay. 51 Ako siyang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At ang laman ko ang tinapay na aking ibibigay alang-alang sa ikabubuhay ng mundo.”

Mga kasulyap-sulyap ngayon: