Daily Gospel - 11 Hunyo 2021


 At sinasabi ng isa pang Kasulatan: Pagmamasdan nila ang kanilang sinibat. (Juan 19:31-37)

Kabanal-Banalang
Puso ni Hesus
Pagbasa: Hosea 11:1-9; Salmo: Isaias 12:2-6; Ikalawang Pagbasa: Efeso 3:8-12; 
Mabuting Balita: Juan 19:31-37

31 Dahil paghahanda noon, ayaw ng mga Judio na mamalagi sa krus ang mga katawan sa Araw ng Pahinga sapagkat dakilang araw ang Araw na iyon ng Pahinga. At ipinakiusap nila kay Pilato na baliin ang mga binti ng mga nasa krus at saka alisin.

32 Kaya pumaroon ang mga sundalo. Binali nila ang mga binti ng una at ng isa pang kasama niyang ipinako sa krus. 33 Ngunit pagsapit nila kay Jesus, nakita nilang patay na siya kaya hindi nila binali ang kanyang mga binti. 34 Gayunma’y sinibat ng isa sa mga sundalo ang kanyang tagiliran, at biglang may umagos na dugo at tubig. 35 Ang nakakita ang nagpapatunay, at totoo ang kanyang patunay. At Siya ang nakaaalam na totoo ang sinasabi niya para maniwala kayo.

36 Gayon kailangang maganap ang Kasulatan: Walang babaliin sa kanyang mga buto. 37 At sinasabi ng isa pang Kasulatan: Pagmamasdan nila ang kanilang sinibat.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: