Daily Gospel - 11 Mayo 2021


 Ngunit sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: makabubuti sa inyong ako’y umalis sapagkat kung hindi ako aalis. hinding-hindi darating sa inyo ang Tagapagtanggol. Kung aalis naman ako, ipadadala ko siya sa inyo. (Juan 16:7)

Pagbasa: Gawa 16:22-34; Salmo: Awit 138:1-8;

Mabuting Balita: Juan 16:5-11

5 Ngayon nama’y papunta ako sa nagpadala sa akin, at wala sa inyong nag-tatanong sa akin kung saan ako papunta, 6 kundi tigib ng lungkot ang inyong puso dahil sinabi ko sa inyo ang lahat ng ito.

7 Ngunit sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: makabubuti sa inyong ako’y umalis sapagkat kung hindi ako aalis. hinding-hindi darating sa inyo ang Tagapagtanggol. Kung aalis naman ako, ipadadala ko siya sa inyo. 8 At pagdating niya, hihiyain niya ang mundo tungkol sa kasalanan, sa daan ng pagkamatuwid at sa paghatol.

9 Ito ang kasalanan: hindi sila nananalig sa akin. 10 Ito ang daan ng pagkamatuwid: sa Ama ako papunta, at hindi na ninyo ako mapapansin. 11 At hinatulan na ang pinuno ng mundong ito: ito ang paghatol. 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: