Daily Gospel - 21 Hunyo 2021


Kung paano kayo humatol sa inyong kapwa, gayon din kayo hahatulan, at susukatin kayo sa sukatang ginamit ninyo. (Mateo 7:2)

San Luis Gonzaga
Unang Pagbasa:  Genesis 12:1-9; Salmo: Awit 33:12-22;
Mabuting Balita: Mateo 7:1-5

1 Huwag humatol at hindi kayo hahatulan. 2 Kung paano kayo humatol sa inyong kapwa, gayon din kayo hahatulan, at susukatin kayo sa sukatang ginamit ninyo. 3 Bakit mo tinitingnan ang puwing sa mata ng iyong kapatid? At di mo pansin ang troso sa iyong mata. 4 Paano mo masasabi sa iyong kapatid: ‘Halika, at aalisin ko ang puwing sa iyong mata,’ kung may troso naman sa iyong mata? 5 Mapagkunwari! alisin mo muna ang troso sa iyong mata, at saka mo makikita kung paano aalisin ang puwing sa mata ng iyong kapatid.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: