Daily Gospel - 14 Hulyo 2021


Pinupuri kita Amang Panginoon ng Langit at lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga karaniwang tao. (Mateo 11:25)

San Camillo de Lellis
Pagbasa: Exodo 3:1-12; Salmo: Awit 103:1-7;
Mabuting Balita: Mateo 11:25-27 

25 Nagsalita si Jesus sa pagkakataong iyon: “Pinupuri kita Amang Panginoon ng Langit at lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga karaniwang tao. 26 Oo, Ama, ito ang ikinasiya mo.

27 Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: