Daily Gospel - 20 Agosto 2021


“Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa at nang buo mong pag-iisip....  Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. (Mateo 22:37. 39)

San Bernardo de Claraval
Pagbasa: Ruth 1:1-22; Salmo: Awit 146:5-10;
Mabuting Balita: Mateo 22:34-40

34 Narinig ng mga Pariseo na napatahimik ni Jesus ang mga Sadduseo, at sumang-ayon sila sa kanya. 35 Kaya sinubukan siya ng isa sa kanila na isang guro ng Batas sa tanong na ito: 36 “Guro, ano ang pinakamahalagang utos ng Batas?”

37 Sumagot si Jesus: “Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa at nang buo mong pag-iisip. 38 Ito ang una at pinakamahalagang utos. 39 Ngunit may ikalawa pa na tulad nito: Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. 40 Sa dalawang utos na ito nabubuod ang buong Batas at Mga Propeta.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: