Daily Gospel - 25 Agosto 2021


Gayundin naman, mukha kayong mga taong banal ngunit puno naman ng pagkukunwari at kasamaan ang kalooban. (Mateo 23:28)

Pagbasa: 1 Tesalonica 2:9-13; Salmo: Awit 139:7-12;
Mabuting Balita: Mateo 23:27-32

27 Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Para kayong mga pinaputing libingan na maganda sa labas pero puno ng buto ng mga patay at ng iba pang karumihan ang loob. 28 Gayundin naman, mukha kayong mga taong banal ngunit puno naman ng pagkukunwari at kasamaan ang kalooban.

29 Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Nagtatayo kayo ng mga monumento para sa mga propeta at pinapalamutian ang mga bantayog ng mga banal na tao. 30 Sinasabi ninyo: ‘Kung tayo ang nabuhay sa panahon ng ating mga ninuno, hindi sana tayo sumang-ayon na patayin ang mga propeta.’ 31 Kaya kayo ang umaamin na mga anak kayo ng mga pumatay sa mga propeta. 32 At ngayon, tapusin ninyo ang sinimulan ng inyong mga ninuno!

Mga kasulyap-sulyap ngayon: