Daily Gospel - 29 Hulyo 2021


“Ganito ang mangyayari sa katapusan ng mundo. Lalabas ang mga anghel para ihiwalay ang masasama sa mabubuti; 50 at itatapon sila sa nagliliyab na pugon kung saan may iyakan at pagngangalit ng mga ngipin.” (Mateo 13:49-50)

San Martha
Pagbasa: Exodo 40:16-38; Salmo:  Awit 84:3-11;
Mabuting Balita: Mateo 13:47-53

47 Naihahambing din ang kaharian ng Langit sa isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng kung anu-ano. 48 Nang puno na ang lambat, hinila ito papunta sa pampang. At saka naupo ang mga tao at tinipon ang mabubuting isda sa mga timba at itinapon ang mga walang kuwenta. 49 Ganito ang mangyayari sa katapusan ng mundo. Lalabas ang mga anghel para ihiwalay ang masasama sa mabubuti; 50 at itatapon sila sa nagliliyab na pugon kung saan may iyakan at pagngangalit ng mga ngipin.”

51 At itinanong ni Jesus: “Nauunawaan ba ninyo ang lahat ng ito?” “Oo,” ang sagot nila. 52 Kaya sinabi niya sa kanila: “Kaya bawat guro ng Batas na tinuruan tungkol sa Kaharian ay katulad ng isang ama ng tahanan na may tabihan, at laging may bago at luma sa tuwing kukuha siya.”

53 Nang matapos ni Jesus ang mga talinhagang ito, umalis siya sa lugar na iyon. 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: