At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa disyerto, gayundin dapat itaas ang Anak ng Tao upang magkaroon ng buhay magpakailanman ang bawat nananalig sa kanya. (Juan 3:14-15)
Pagtatampok sa Krus na Banal |
Pagbasa: Bilang 21:4-9; Salmo: Awit 78:1-38; Ikalawang Pagbasa: Filipos 2:6-11;
Mabuting Balita: Juan 3:13-1713 Walang umakyat sa langit maliban sa bumaba mula sa langit – ang Anak ng Tao.
14 At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa disyerto, gayundin dapat itaas ang Anak ng Tao 15 upang magkaroon ng buhay magpakailanman ang bawat nananalig sa kanya.
16 Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kayat ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang hindi na mawala ang bawat nananalig sa kanya kundi magkaroon ng buhay magpakailanman.
17 Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya. 18 Hindi hinuhukuman ang nananalig sa kanya. Ngunit hinu-kuman na ang hindi nananalig pagkat hindi siya nananalig sa Ngalan ng bugtong na Anak ng Diyos.