Walang nagsisindi ng ilawan at tinatakpan ito ng palayok o inilalagay sa ilalim ng higaan. Ipinapatong ito sa patungan para makita ng mga pumapasok ang liwanag. (Lucas 8:16)
San Andres Kim at San Pablo Chong |
Pagbasa: Ezra 1:1-6; Salmo: Awit 126:1-6;
Mabuting Balita: Lucas 8:16-1816 Walang nagsisindi ng ilawan at tinatakpan ito ng palayok o inilalagay sa ilalim ng higaan. Ipinapatong ito sa patungan para makita ng mga pumapasok ang liwanag. 17 Walang nalilihim na di mabubunyag ni natatakpan na di mahahayag at malalantad. 18 Kayat isip-isipin ninyo ang inyong naririnig dahil bibigyan pa nga ang mayroon at ang walang-wala naman, kahit na ang akala niyang kanya, ay aagawin sa kanya.”