Daily Gospel - 19 Oktubre 2021


Mapalad ang mga lingkod na iyon na matatagpuang naghihintay sa panginoon pagdating niya. Maniwala kayo sa akin, isusuot niya ang damit pantrabaho at pauupuin sila sa hapag at isa-isa silang pagsisilbihan. (Lucas 12:37)

San Juan de Brebeuf, San Isaac
Jogues at mga Kasama; at
San Pablo de la Cruz
Pagbasa: Roma 5:12-21; Salmo: Awit 40:7-17;
Mabuting Balita: Lucas 12:35-38

35 Maghintay kayong bihis at handang maglingkod, na may nakasinding mga lampara. 36 Maging tulad kayo ng mga taong naghihintay sa kanilang panginoon. Pauwi siya mula sa kasalan at agad nilang mabubuksan ang pinto pag dating niya at pag katok. 37 Mapalad ang mga lingkod na iyon na matatagpuang naghihintay sa panginoon pagdating niya. Maniwala kayo sa akin, isusuot niya ang damit pantrabaho at pauupuin sila sa hapag at isa-isa silang pagsisilbihan. 38 Dumating man siya sa hatinggabi o sa madaling-araw at matagpuan niya silang ganito, mapalad ang mga iyon!

Mga kasulyap-sulyap ngayon: