Daily Gospel - 10 Disyembre 2021


 Gayon pa man, mapatutunayang tama ang karunungan ng Diyos sa mga gawa nito. (Mateo 11:19)

Mahal na Birhen
ng Loreto
Pagbasa: Isaias 48:17-19; Salmo: Awit 1:1-6;
Mabuting Balita: Mateo 11:16-19

16 Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuyan? Para silang mga batang nakaupo sa mga plasa at nagkakantahan, at nagrereklamo ang ilan sa kanila: 17 ‘Tinugtog namin ang plauta para sa inyo pero ayaw ninyong sumayaw, at nang umawit naman kami ng malungkot na awit, ayaw din ninyong umiyak!’

18 Ganito rin ang nangyari: Dumating muna si Juan na nag-aayuno, at sabi ng mga tao: ‘Inaalihan siya ng demonyo.’ 19 At saka dumating ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at ang sabi ng mga tao: ‘Lasenggo at matakaw, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan!’ Gayon pa man, mapatutunayang tama ang karunungan ng Diyos sa mga gawa nito.”

Mga kasulyap-sulyap ngayon: