At pag-alis nila, ipinangaral nila ang pagbabalik-loob. Maraming demonyo ang kanilang pinalayas at marami ring maysakit ang pinagaling nila sa pagpapahid ng langis. (Marcos 6:12-13)
San Blas at San Oscar |
Pagbasa: 1 Hari 2:1-12; Salmo: 1 Cronica 29:10-12;
Mabuting Balita: Marcos 6:7-13
7 Naglibot naman si Jesus sa mga nayon sa paligid sa kanyang pagtuturo. 7 At tinawag niya ang Labindalawa at sinimulang isugo sila nang dala-dalawa. Binigyan niya sila ng kapangyarihan sa mga maruming espiritu. 8 At sinabihan niya silang huwag magdala ng anuman para sa paglalakbay kundi tungkod lamang. Walang pagkain, walang pitaka o pera sa sinturon. 9 Nakasandalyas at may isang damit lang.
10 At sinabi niya sa kanila: “Pagtuloy ninyo sa isang bahay, manatili kayo roon hanggang sa pag-alis ninyo mula roon. 11 Kung may lugar na hindi tatanggap o makikinig sa inyo, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa bilang sakdal sa kanila.”
12 At pag-alis nila, ipinangaral nila ang pagbabalik-loob. 13 Maraming demonyo ang kanilang pinalayas at marami ring maysakit ang pinagaling nila sa pagpapahid ng langis.