“Ano ang ipinahihintulot sa Araw ng Pahinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?” (Marcos 3:4)
Pagbasa: 1 Samuel 17:32-51; Salmo: Awit 144:1-10;
Mabuting Balita: Marcos 3:1-61 Muling pumasok si Jesus sa sinagoga, at naroon ang isang lalaki na hindi maigalaw ang kamay, at mayroon ding gustong magsumbong tungkol kay Jesus. 2 Kaya nagmasid sila at baka pagalingin siya ni Jesus sa Araw ng Pahinga.
3 At sinabi naman niya sa taong hindi maigalaw ang kamay: “Tumindig ka sa gitna.” 4 At saka niya sila tinanong: “Ano ang ipinahihintulot sa Araw ng Pahinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?” At di sila umimik.
5 Nalungkot si Jesus dahil sa katigasan ng kanilang puso kaya galit niyang tiningnan silang lahat, at sinabi sa lalaki: “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat nga ng tao ang kamay at gumaling ito.
6 Pagkalabas ng mga Pariseo, nakipagtipon sila sa mga kakampi ni Herodes para masiraan nila siya.