Daily Gospel - 21 Enero 2022


Sa gayon niya hinirang ang Labin-dalawa (na tinawag din niyang Mga Apostol) upang makasama niya at maipadala sila para mangaral at magkaroon ng kapangyarihan para palayasin ang mga demonyo. (Marcos 3:14-15)

Sta. Ines
Pagbasa: 1 Samuel 24:3-21; Salmo: Awit 57:2-11;
Mabuting Balita: Marcos 3:13-19

13 At umakyat si Jesus sa burol at tinawag ang mga gusto niya. At lumapit sila sa kanya.
14 Sa gayon niya hinirang ang Labin-dalawa (na tinawag din niyang Mga Apostol) upang makasama niya at maipadala sila para mangaral 15 at magkaroon ng kapangyarihan para palayasin ang mga demonyo. 

16 Kaya itinalaga niya ang Labindalawa at tinawag na Pedro si Simon, 17 at  si Jaime na anak ni Zebedeo, at ang kapatid nitong si Juan, at tinawag niya silang Boanerges, na ang ibig sabihi’y “Sina-Parang-Kulog”; 18 at saka si Andres, at si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, at si Tadeo,  19 si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na magkakanulo sa kanya.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: