“Ngunit kung may magsalita laban sa Espiritu Santo, kailanma’y di siya mapapatawad; kasalanang walang hanggan ang nasa kanya.” (Marcos 3:29)
San Francisco de Sales |
Pagbasa: 2 Samuel 5:1-10; Salmo: Awit 89:20-26;
Mabuting Balita: Marcos 3:22-3022 May dumating namang mga guro ng Batas na galing sa Jerusalem, at sinabi nila: “Sumasakanya si Beelzebul at sa tulong ng pinuno ng mga demonyo siya nagpapalayas sa mga ito.”
23 Tinawag sila ni Jesus at nagsalita sa talinhaga: “Puwede bang Satanas ang magpalayas sa Satanas? 24 Kung may pagkakahati-hati ang isang kaharian, hindi na makatatayo ang kahariang iyon. 25 At kung may sambahayang nagkakahati-hati, hindi na makatatayo ang sambahayang iyon. 26 At kung si Satanas ang lumalaban sa kanyang sarili at nagkakahati-hati, hindi na siya makatatayo kundi malapit na ang wakas niya. 27 Walang makapapasok sa bahay ni Malakas at makaaagaw sa lahat niyang mga gamit kung hindi muna itatali si Malakas. Saka lamang niya masasaid ang lahat ng ari-arian nito.
28 Sinasabi ko sa inyo: patatawarin ang mga anak ng tao sa lahat – sa kanilang mga kasalanan at pati sa kanilang mga paglait sa Diyos kahit na marami man ang mga paglait nila sa Diyos. 29 Ngunit kung may magsalita laban sa Espiritu Santo, kailanma’y di siya mapapatawad; kasalanang walang hanggan ang nasa kanya.” 30 Ang pagsasabi nilang may masamang espiritu siya ang tinutukoy ni Jesus.