Daily Gospel - 16 Pebrero 2022


Kaya agad na ipinatong ni Jesus ang kanyang mga kamay sa mga mata nito, at nakakilala siya at gumaling, at nakita nga niya nang malinaw ang lahat. (Marcos 8:25)

Pagbasa: Santiago 1:19-27; Salmo: Awit 15:2-5;
Mabuting Balita: Marcos 8:22-26

22 Pagpasok nila sa Betsaida, isang bulag ang dinala sa kanya at hiniling sa kanyang hipuin ito. 23 Inakay ito ni Jesus sa labas ng bayan, pinahiran ng laway ang mga mata nito at ipinatong ang kanyang mga kamay. At saka niya ito tinanong: “May nakikita ka ba?” 24 Tumingin ang tao, at sinabi nito: “Parang mga punongkahoy ang nakikita ko pero lumalakad, tiyak na mga tao ito.” 25 Kaya agad na ipinatong ni Jesus ang kanyang mga kamay sa mga mata nito, at nakakilala siya at gumaling, at nakita nga niya nang malinaw ang lahat.

26 Pinauwi ito ni Jesus sa pagsasabing: “Huwag kang pumasok kahit na sa nayon.”

Mga kasulyap-sulyap ngayon: