Daily Gospel - 02 Agosto 2022

 

Hindi ang pumapasok sa bibig ang nakapagpaparumi sa tao kundi ang lumalabas sa bibig ang nakapagpaparumi sa tao.” (Mateo 15:11)

San Eusebio de Vercelli at
San Pedro Julian Eymard
Pagbasa: Jeremias 30:1-22; Salmo: Awit 102:16-23;
Mabuting Balita: Mateo 15:1-2. 10-14

1 Nagkatipon sa paligid ni Jesus ang ilang Pariseo at mga guro ng Batas na galing pa sa Jerusalem. At sinabi nila sa kanya: 2 “Bakit nilalabag ng iyong mga alagad ang tradisyon ng mga ninuno? Hindi nga sila naghuhugas ng  kamay bago kumain.”

10 Kaya tinawag ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila: “Pakinggan at unawain. 11 Hindi ang pumapasok sa bibig ang nakapagpaparumi sa tao kundi ang lumalabas sa bibig ang nakapagpaparumi sa tao.”

12 Pagkatapos ay lumapit kay Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi: “Alam mo bang naiskandalo ang mga Pariseo sa sinabi mo?” 13 Sumagot si Jesus: “Ang bawat tanim lamang na hindi itinanim ng aking Amang nasa Langit ang mabubunot. 14 Huwag ninyo silang pansinin! Mga bulag na gabay sila. Kapag isang bulag ang umakay sa kapwa-bulag, silang dalawa ang mahuhulog sa hukay.” 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: