Daily Gospel - 08 Agosto 2022


“...Kaya pumunta ka sa dagat, maghagis ng bingwit at  buksan ang bibig ng unang isdang iyong mahuhuli.” (Mateo 17:27)

Sto. Domingo
de Guzman
Pagbasa: Ezekiel 1:2-28; Salmo: Awit 148:1-12;
Mabuting Balita: Mateo 17:22-27

22 Minsan nang maglakbay si Jesus sa Galilea kasama ang Labindalawa, sinabi niya sa kanila: “Ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao. 23 Papatayin nila siya ngunit babangon siya sa ikatlong araw.” Kaya lubha silang nalungkot.

24 Nang makapasok na sila ng Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga tagakolekta sa Templo at tinanong nila siya: “Nagbabayad ba ng buwis ang guro ninyo?” 25 Sumagot siya: “Siyempre.” 

At pumasok si Pedro sa bahay ngunit agad siyang tinanong ni Jesus: “Ano sa palagay mo, Simon? Sino ang nagbabayad ng buwis o parangal sa mga hari ng mundo: ang mga anak ba o ang iba?” 26 Sumagot si Pedro: “Ang iba.” At sinabi ni Jesus: “Kung gayon, di-saklaw ang mga anak. 27 Ngunit hindi rin natin dapat saktan ang mga taong ito kaya pumunta ka sa dagat, maghagis ng bingwit at  buksan ang bibig ng unang isdang iyong mahuhuli. May pera kang matatagpuan doon, kunin mo iyon at magbayad ka para sa iyo at sa akin din.”

Mga kasulyap-sulyap ngayon: