Daily Gospel - 14 Oktubre 2022


Kaya naman, ang sinabi ninyo sa dilim, sa liwanag maririnig; at ang ibinulong ninyo sa mga kuwarto, sa bubungan ipahahayag. (Lucas 12:3)

San Callisto I
Pagbasa: Efeso 1:11-14; Salmo: Awit 33:1-13;
Mabuting Balita:  Lucas 12:1-7

1 Nang magkatipon ang libu-libong tao hanggang magkatapakan na sila, sinimulang sabihin ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat muna kayo sa lebadura ng mga Pariseo, na walang iba kundi ang pagkukunwari.

2 Walang tinatakpan na di mabubunyag, walang natatago na di malalaman. 3 Kaya naman, ang sinabi ninyo sa dilim, sa liwanag maririnig; at ang ibinulong ninyo sa mga kuwarto, sa bubungan ipahahayag.

4 Sinasabi ko naman ito sa inyo na mga kaibigan ko: huwag ninyong katakutan ang mga nakapapatay sa katawan at wala nang magagawa pa. 5 Ituturo ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: matakot kayo sa may kapangyarihang pumatay at may kapangyarihan pang magbulid sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, ito ang katakutan ninyo. 6 Di ba’t ipinagbibili nang dalawang pera ang limang maya? Subalit isa man sa kanila’y di nalilimutan ng Diyos. 7 Bilang na pati ang lahat ng buhok sa inyong ulo. Huwag kayong matakot; mas mahalaga pa kayo kaysa maraming maya.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: