“Sapagkat ibababa ang lahat ng nagpapakataas at itataas ang nagpapakababa.” (Lucas 14:11)
Pagbasa: Filipos 1:18-26; Salmo: Awit 42:2-5;
Mabuting Balita: Lucas 14:1. 7-11
1 Isang Araw ng Pahinga, pumasok si Jesus sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo para kumain, at minamanmanan naman nila siya.
7 May talinhaga siyang sinabi nang mapuna niyang pinipili ng mga inimbita ang mga unang puwesto: 8 “Kung anyayahan ka sa isang kasalan, huwag kang lumagay sa unang puwesto. Baka may kinumbidang mas importante kaysa iyo, 9 at darating ang kumumbida sa inyong dalawa para sabihing ‘Ibigay mo sa kanya ang puwestong ito.’ Kaya mapapahiya ka’t pupunta sa huling puwesto.
10 Sa halip, kung anyayahan ka, sa huling puwesto ka pumunta sapagkat pag dating ng kumumbida sa iyo, sasabihin niya sa iyo: ‘Kaibigan, lumapit ka pa.’ Kaya mapararangalan ka sa harap ng lahat ng inanyayahan. 11 Sapagkat ibababa ang lahat ng nagpapakataas at itataas ang nagpapakababa.”