Daily Gospel - 10 Nobyembre 2022

 

At may magsasabi sa inyo ‘Narito siya, naroon.’ Huwag kayong pupunta, huwag maghahanap. (Lucas 17:23)

San Leon Magno 
Pagbasa: Filemon 7-20; Salmo: Awit 146:7-10;

Mabuting Balita: Lucas 17:20-25


20 Tinanong siya ng mga Pariseo kung kailan darating ang paghahari ng Diyos at sumagot siya: “Hindi lantaran ang pagdating ng kaharian ng Diyos; 21 di masasabing ‘Narito o naroon,’ nasa inyo na nga ang kaharian ng Diyos.”

22 Sinabi ni Jesus sa mga alagad: “Darating ang panahon na pananabikan ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao at di naman ninyo makikita. 23 At may magsasabi sa inyo ‘Narito siya, naroon.’ Huwag kayong pupunta, huwag maghahanap. 24 Sumisiklab nga ang kidlat at nagniningning mula sa isang dako ng langit hanggang sa kabila, gayundin naman ang Anak ng Tao sa araw ng kanyang pagdating. 25 Subalit kailangan muna niyang magtiis ng marami at itakwil ng mga tao sa kasalukuyan. 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: