Daily Gospel - 17 Nobyembre 2022

 

Iguguho ka nila sa iyong mga anak, at walang iiwang magkapatong na bato sa iyo. Sapagkat hindi mo nalaman ang panahon ni ang pagdalaw ng iyong Diyos.” (Lucas 19:44)
Sta. Isabel de Hungaria
Pagbasa: Pahayag 5:1-10; Salmo: Awit 149:1-9;

Mabuting Balita: Lucas 19:41-44 


41 Nang malapit na siya at kita na ang lunsod, iniyakan ito ni Jesus: 42 “Kung nalalaman mo lamang sana sa araw na ito ang daan sa kapayapaan! Ngunit ngayo’y hindi mo ito nakikita. 43 Sasapit sa iyo ang mga araw na magkakampo sa paligid mo ang iyong mga kaaway, kukubkubin ka at sisikilin sa lahat ng dako. 44 Iguguho ka nila sa iyong mga anak, at walang iiwang magkapatong na bato sa iyo. Sapagkat hindi mo nalaman ang panahon ni ang pagdalaw ng iyong Diyos.” 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: