Daily Gospel - 02 Disyembre 2022

 

Hinipo ni Jesus ang kanilang mga mata at sinabi: “Mangyari sa inyo ang inyong paniwala.” (Mateo 9:29)
Pagbasa: Isaias 29:17-24; Salmo: Awit 27:1-14;

Mabuting Balita: Mateo 9:27-31


27 Pag-alis ni Jesus sa lugar na iyon, sumunod sa kanya ang dalawang bulag na lalaki na sumisigaw: “Anak ni David, tulungan mo kami!” 28 Pagdating niya sa bahay, inabutan siya ng mga bulag at sinabi ni Jesus sa kanila: “Naniniwala ba kayo na may kapangyarihan ako para gawin ang gusto ninyong mangyari?” At sumagot sila: “Oo, Ginoo!”

29 Hinipo ni Jesus ang kanilang mga mata at sinabi: “Mangyari sa inyo ang inyong paniwala.” 30 At nabuksan ang kanilang mga mata. Mahigpit naman silang tinagubilinan ni Jesus: “Mag-ingat kayo at huwag sabihin ito kanino man.” 31 Ngunit pagkaalis nila, ipinahayag nila siya sa buong bayan. 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: