“Ikaw si Simon na anak ni Juan. Tatawagin kang Kefas (na kung isasalin ay Pedro).” (Juan 1:42)
Pagbasa: 1 Juan 3:7-10; Salmo: Awit 98:1-9;
Mabuting Balita: Juan 1:35-4235 Kinabukasan, naroon na naman si Juan at dalawa sa kanyang mga alagad. 36 Pagdaan ni Jesus, tinitigan niya ito at sinabi: “Hayan ang Kordero ng Diyos.” 37 At narinig siyang nagsasalita ng dalawang alagad kaya sinundan nila si Jesus. 38 Lumingon si Jesus at nakita niya silang sumusunod, at sinabi niya sa kanila: “Ano’ng hinahanap n’yo?” Sumagot naman sila sa kanya, “Rabbi (na kung isasalin ay Guro), saan ka namamalagi?” 39 At sinabi niya sa kanila: “Halikayo at inyong makikita.” At pumaroon sila at nakita kung saan siya namamalagi, at maghapon silang namamalagi sa kanya. Magiikapat ng hapon ang oras noon.
40 Si Andres na kapatid ni Simon Pedro and isa sa dalawang sumunod sa kanya pagkarinig kay Juan. 41 Una niyang natagpuan ang kapatid niyang si Simon at sinabi sa kanya: “Natagpuan namin ang Mesiyas (na kung isasalin ay Pinahiran).” 42 Inihatid niya siya kay Jesus. Tinitigan siya ni Jesus at sinabi nito: “Ikaw si Simon na anak ni Juan. Tatawagin kang Kefas (na kung isasalin ay Pedro).”